Ai-Ai delas Alas ignores rumored comments of Ex-Battalion members

by Glenn Regondola
Jun 8, 2019
Ai-Ai delas Alas ignores the supposed comments of Ex-Battalion members, who, according to reports, are happy about her resignation as their manager.
PHOTO/S: Noel Orsal

Dedma lang si Ai-Ai Delas Alas sa diumano'y reaksiyon ng Ex-Battalion tungkol sa kanyang pagbitaw bilang manager ng rap group.

Ayon sa balita, natuwa raw ang sensational group na ito na hindi na ang tinaguriang "Comedy Concert Queen" ang humahawak sa kanilang career.

Pahayag naman ni Ai-Ai, na nagbitaw bilang manager ng rap group noong May 15, "Okey lang, Kung natuwa sila, e, di mas natuwa ako.

"Ako ma-hurt? Ako pa ba ang mahu-hurt? Hayaan mo na. May mga bagay na hayaan na lang natin."

Hindi rin daw siya apektado sa "salamat" at "feeling blessed" posts ng ilang miyembro ng grupo matapos magbitaw ni Ai-Ai bilang manager nila. n

Ani Ai-Ai, "Hindi, hindi. Kasi ano ba ang ini-expect mo, di ba? Yun na nga ang ginawa nila sa akin, e. Alangan namang mag-expect ka ng maganda. Siyempre, alam mo na yun. Kung ano yung ugali, yun pa rin yun. Hindi yun mababago nang overnight, e."

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-comedienne sa grand presscon ng pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) na ginanap sa Cities Events Place, sa Quezon City kahapon, June 7.

Gayun pa man, marami ang humahanga sa kanya dahil kahit meron na talaga silang internal problems ay naitawid pa rin nila nang maayos ang pelikulang S.O.N.S. (Sons of Nanay Sabel) noong nakaraang buwan.

Aniya, "Siyempre, minsan, may mga bagay na kailangan mong tiisin. Siyempre, nakakahiya naman kay Boss Vic, di ba? Makikisama ka rin. E, ganun talaga sa industriya natin."

Ang Boss Vic na tinutukoy niya ay si Vic del Rosario ng Viva Films.

AI-AI TAKES A BREAK FROM MANAGING TALENTS

Ibig bang sabihin nito ay titigil na siya sa pagma-manage ng mga singer o mga artista?

Sa ngayon, siya ang tumatayong manager ng anak niyang si Sophia, habang si June Torrejon naman ang manager ng panganay niyang si Sancho.

Continue reading below ↓

Saad ni Aileen, ang totoong pangalan ni Ai-Ai, "Hindi muna. Maraming nagpapa-manage sa akin. Maliiit na bata, mga cute.

"Si Sancho, kay Tita June naman yun.

"Si Sophia, yun ang mina-manage ko. Anak ko naman siya, e. Si Sophia kasi, gusto lang niyang mag-artista na walang interview, kaya ayaw niyang pinapakialaman. Ayaw niya ng mga salitang hindi maganda. Yung sisiraan ka sa social media. Yung bina-bash ka. Ayaw niya ng ganun kasi feeling niya ay nagtratrabaho lang naman siya, ba't kailangang pagsasalitaan siya ng kung mga anu-ano."

Samantala, sobrang saya ni Ai-Ai na si Bayani Agbayani ang ka-tandem niya sa Feelennial at si Pops Fernandez ang isa sa mga producers dahil pareho niya silang kaibigan.

Ang wish ay pilahan ng tao ang Feelennial simula sa opening nito sa June 19.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas ignores the supposed comments of Ex-Battalion members, who, according to reports, are happy about her resignation as their manager.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results