Pops Fernandez says she's single, but not lonely

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2019
Pope Fernandez on being single: "I think it’s very easy, lalung-lalo na dun sa mga single women na matagal nang naging single. Maintindihan nila na, after a while, parang you get used to be by yourself.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Sampung taon nang single si Pops Fernandez matapos ang breakup nila ni Jomari Yllana noong March 2009.

Pero masaya raw ang Concert Queen sa kanyang status bilang single kahit dekada na kung sumahin na walang nagpapasaya sa kanyang puso.

Saad ng 52-year-old singer-producer, “Wala, and maybe it... some people don’t understand it.

“I think it's very easy, lalung-lalo na dun sa mga single women na matagal nang naging single.

“Maiintindihan nila na, after a while, parang you get used to be by yourself.”

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Pops na kahit wala siyang inspirasyon, hindi ibig sabihin ay malungkot ang kanyang buhay.

“I’m not lonely. I’m single, but I’m not lonely.

“My kids are with me. I have a lot of friends.

“I get to do what I want to do at my time.

“And then, I get to work at my time.

“I like it better. Walang pressure.”

Mga binata na ang dalawang anak ni Pops sa dating asawa na si Martin Nievera—sina Robin at Ram.

Suko na ba siya sa paghihintay sa kanyang “Mr. Right?”

Tugon ni Pops, “Although, if the right one comes along, I don’t mind.

“But again, it’s not my priority.

“I really feel... I’m still a fairy-tale believer na kung mangyayari yun, mami-meet ko na lang siya and I don’t really go out of my way to look for him.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Pops sa mediacon ng pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani, ang Feelennial (Feeling Millennial), noong Biyernes, June 7.

Si Pops, sa pamamagitan ng kumpanya nilang DSL Productions, ang producer ng nasabing pelikula na magbubukas sa mga sinehan simula sa June 19.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pope Fernandez on being single: "I think it’s very easy, lalung-lalo na dun sa mga single women na matagal nang naging single. Maintindihan nila na, after a while, parang you get used to be by yourself.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results