Is Vina Morales hinting at having a new boyfriend?

by Rachelle Siazon
Jun 11, 2019
Singer-actress Vina Morales seems to have found love anew at 43.
PHOTO/S: Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko ni Vina Morales ang litrato nila ng isang non-showbiz guy na hinihinalang bagong boyfriend niya.

Nakaakbay ang hindi pinangalanang non-showbiz guy kay Vina, habang nakayakap din ang singer-actress sa baywang ng lalaki.

Parehong matamis ang pagkakangiti ng couple, na mala-turista ang picture overlooking Manhattan Beach sa California.

Ang tanging caption ni Vina ay "#VMtravels."

Continue reading below ↓

Hindi man nagbigay ng ibang clue si Vina, ibinuking siya ni Ruffa Gutierrez na special someone ang kasama niyang lalaki.

Proud na nag-comment si Ruffa na siya raw ang nagreto kay Vina at sa lalaki.

May iba ring artista ang ikinatuwa ang balitang blooming ulit ang love life ni Vina.

Kabilang dito sina Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Joj Agpangan na masaya para kay Vina.

Continue reading below ↓

MEETING THE GUY'S FAMILY?

Sa isa pang Instagram post ni Vina, ibinahagi niya ang larawan kasama ng tila mga pamangkin ng lalaking nauugnay sa kanya.

Tila nag-click agad si Vina sa pamilya ng non-showbiz guy dahil ipinakilala siyang "new auntie" ng dalawang toddlers na nasa photo.

Continue reading below ↓

May isa pang group picture si Vina kasama ang rumored boyfriend at kaanak ng lalaki na nakatira sa California.

Bago ito ay dalawang taon ding naging single si Vina.

Huli niyang nakarelasyon ang French businessman na si Marc Lambert.

Sinabi noon ni Vina na nakipag-break siya kay Marc dahil nahirapan sila sa kanilang "long-distance" relationship, na tumagal ng dalawang taon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Vina Morales seems to have found love anew at 43.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results