John Lloyd Cruz, Bea Alonzo spotted together in El Nido, Palawan

by Rachelle Siazon
Jun 12, 2019
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo gamely accommodate photo-ops with some fans in El Nido, Palawan.
PHOTO/S: Virfe Fabul via Balitang Palawan Facebook

Mabilis na kumalat sa social media ang litrato nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na namataang magkasama sa El Nido, Palawan.

Game na nagpakuha ng litrato ang dalawa kasama ang isang netizen sa Barotuan Church, El Nido, Palawan.

Hindi malinaw kung may kinalaman sa trabaho o personal ang dahilan ng pagkikita nina John Lloyd at Bea roon.

Parehong naka-casual wear ang dalawa—naka-skirt at off-shoulder top si Bea habang naka-shorts at buttoned-down shirt si John Lloyd.

Noon pa lang April 3 ay nagpahiwatig na si Bea ng pagkasabik na maka-reunion si John Lloyd, ang kanyang perennial love team sa walong teleserye at 10 pelikula.

Kasabay iyon ng teaser ng "pagbabalik" ni John Lloyd sa isang mystery project, na kinalaunan ay napag-alamang isang TV commercial.

Napatanong noon si Bea ng "Poy, ikaw ba yan?"

Nasundan pa ito ng pag-post ni Bea ng litrato ni John Lloyd nang lumabas ang TVC ng aktor noong April 30.

Continue reading below ↓

Huling nagkita sina Bea at John Lloyd sa Star Magic Ball, sa Makati Shangri-La Hotel, noong September 30, 2017.

Ang Star Magic Ball ay dating annual red-carpet event ng talent management arm ng ABS-CBN, na parehong kinabibilangan ng dalawa.

JOHN LLOYD'S INDEFINITE LEAVE

Ngunit iyon din ang huling showbiz-related event na dinaluhan ng aktor bago ito nagpaalam na mag-"indefinite leave" sa showbiz.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang pahiwatig si John Lloyd kung may plano siyang magbalik sa bakuran ng kinalikahang TV network.

Naging abala ang aktor sa personal niyang buhay kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna.

Mag-iisang taong gulang na ang anak na lalaki nina John Lloyd at Ellen sa June 27.

BEA-JOHN LLOYD FANS

Samantala, ikinatuwa ng fans nina Bea at John Lloyd ang makitang magkasama sila.

Karamihan sa kanila ay naaalala pa rin ang sikat na pelikula nina John Lloyd at Bea na One More Chance (2007), kung saan gumanap sila bilang sina Popoy at Basha.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo gamely accommodate photo-ops with some fans in El Nido, Palawan.
PHOTO/S: Virfe Fabul via Balitang Palawan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results