House of Representatives freezes ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Jun 12, 2019
The Committee on Legislative Franchises of the Lower House did not submit any report on the pending bill aimed at renewing the franchise of ABS-CBN Broadcasting Corporation until it adjourned yesterday, June 11.
PHOTO/S: Courtesy: House of Representatives / ABS-CBN News on Facebook

Namimiligrong hindi ma-renew ang franchise for broadcast ng ABS-CBN.

Ito ay matapos upuan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant sa susunod na 20 taon.

Nakatakdang mag-expire ang license to broadcast ng ABS-CBN Broadcasting Corporation sa March 20, 2020 o siyam na buwan mula ngayon.

Ayon sa ulat ng The Philippine STAR ngayong Miyerkules, June 12, hindi inaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ang bill na naipasa pa noong November 2016 na naglalayong ipalawig ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang sa mag-adjourn ang huling session ng 17th Congress kahapon, June 11.

Nangangahulugang kailangang muling i-refile ang nasabing batas sa 18th Congress upang maaksiyunan ito.

Magsisimula sa July 22 ang 18th Congress.

Ayon pa sa isang source ng ulat, hindi raw aaksiyunan ng committee ang anumang panukalang batas na may kaugnayan sa franchise renewal ng ABS-CBN hanggang hindi naaayos ang reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa istasyon.

Saad sa report, "They have to thresh out and resolve their issues with the President.

Continue reading below ↓

"That's the key to get the bill moving."

Hayagang sinabi ng Pangulo sa ilan sa kanyang mga talumpati na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil ginantso diumano siya ng network noong 2016 presidential elections.

Hindi raw kasi inere ng network ang kanyang political ad kahit bayad na ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa tumutugon ang ABS-CBN sa alegasyong ito ni Duterte.

Ngunit, noong December 2017, nabanggit ng Pangulo na maaari siyang makipagkompromiso sa ABS-CBN kapag tutulong ito sa kanyang kampanya na mabago ang uri ng gobyerno mula Presidential patungo sa pagiging Pederalismo.

Pero nitong nakaraang taon, muling inulit ni Duterte ang kanyang banta laban sa Kapamilya network.

Ang rival network ng ABS-CBN na GMA Network ay noon pang April 2017 naaprubahan ang franchise renewal na tatagal sa susunod na 25 taon.

ABS-CBN PRODUCED FILMS TO BE SHOWN IN CHINA

Dagdag pa sa ulat, nakatakda raw mapanood ang mga pelikula na produced ng ABS-CBN sa Phoenix Satelite Television sa China.

Continue reading below ↓

Labing-anim na titulo ang ipalalabas sa nasabing istasyon simula Setyembre ngayong taon.

May mga espekulasyong pinapalakas ng istasyon ang kanilang online service bilang paghahanda sakaling hindi ma-renew ang kanilang franchise.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Committee on Legislative Franchises of the Lower House did not submit any report on the pending bill aimed at renewing the franchise of ABS-CBN Broadcasting Corporation until it adjourned yesterday, June 11.
PHOTO/S: Courtesy: House of Representatives / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results