GMA News anchor Mike Enriquez asked about ABS-CBN franchise renewal woes

by Rachelle Siazon
Jun 13, 2019
GMA-7 veteran broadcast journalist Mike Enriquez on taking a neutral stand on ABS-CBN's franchise renewal woes: "Hindi ba, meron turo sa atin na huwag tayong magbunyi sa kamalasan o sa kasamaang-palad ng iba?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi maiwasang tanungin ang GMA-7 broadcast journalist na si Mike Enriquez tungkol sa isyung namimiligrong hindi ma-renew ang franchise for broadcast ng kanilang rival network, ang ABS-CBN.

Kaugnay ito ng balitang hindi inupuan ng Kongreso ang House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant sa susunod na 20 taon.

"Ehhh! No comment!" bulalas ni Mike nang tanungin hinggil sa isyu.

"Hindi naman kami ang nagbibigay ng franchise, Kongreso!"

Humarap si Mike at iba pang batikang broadcast journalists ng GMA-7 sa presscon ng Dobol B Sa News TV, Huwebes ng hapon, June 13, sa 17th Floor ng GMA Network Center sa Quezon City.

Sabay tinawag ni Mike ang nakatokang GMA-7 news reporter sa Kongreso na si Divine Reyes.

"Nasaan si Divine? Eto yung reporter namin sa Congress, si Divine.

"Divine, ano ba nangyari? Inupuan yung franchise? Naka-operate tayo, e.

"Serious, update mo nga kami."

Paliwanag ni Divine tungkol sa House Bill 4349: "Kailangan pong i-refile kasi nagsara na po yung 17th Congress. So ire-refile siya sa 18th po."

Continue reading below ↓

Ang session para sa 18th Congress ay magbubukas sa July 22, 2019.

Sa March 2020 nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN.

Dagdag na paliwanag ni Mike, "Yung Congress, hindi inaksiyunan yung franchise.

"That means kailangan i-refile yun. Yun ang sistema."

Pero giit ni Mike, wala siyang personal na komento hinggil dito.

"Hindi ba, meron turo sa atin na huwag tayong magbunyi sa kamalasan o sa kasamaang-palad ng iba?"

Nagtanong pa si Mike sa katabing broadcast journalists sa presidential table ng presscon kung ano ang eksaktong "salawikain" sa Ingles na nagsasabing hindi dapat "mag-rejoice" sa "misfortune" ng ibang tao.

"So, ayaw naming magkuwan," saad ni Mike kung bakit umiiwas siya sa isyu.

Bago pa naungkat ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, una nang sinabi ni Mike kung bakit hindi siya nakikialam kapag nasasangkot sa kontrobersiya ang kapwa niya media practitioners.

"Kami as practitioners, meron kaming patakaran nung araw, na kapag merong kontrobersiya na parang sumusulpot na, hindi pa talaga sumasabog, e, huwag naman sasagutin sa himpapawid...

Continue reading below ↓

"Marami pang ibang problema na dapat pagtuunan ng pansin, e—kahirapan, korupsyon, gutom, edukasyon, pabahay, pagpapagamot.

"Sayang ang oras."

ON ISSUE INVOLVING ERWIN TULFO

Hiningan din kasi si Mike ng komento tungkol sa pambabatikos ng netizens sa brand of journalism ng kapwa niya broadcast journalist na si Erwin Tulfo.

Ito ay matapos murahin at takutin ni Tulfo si Rolando Bautista, dating heneral at ngayon ay secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nang hindi mapagbigyan ni Bautista ang hinihinging phone interview ni Tulfo para sa radio program nito sa DZRB Radyo Ng Bayan.

"Alam mo, bilang kapwa mamamahayag, di naman ako 100 percent sure, we might be transgressing into some ethical and political considerations.

"Kung plain listener lang kami at hindi kami kapwa taga-media, puwede ka namin sagutin.

"Pero kasama natin, kasama mo—kahit hindi kayo broadcast, kahit print—mga kasama natin 'yan," paliwanag ni Mike nang tanungin ni Gorgy Rula, contributing writer ng (Philippine Entertainment Portal), tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

PROPER FORUM TO AIR COMPLAINTS

Patuloy ni Mike, sa mga ganitong kaso ay may proper forum kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga sangkot na personalidad na ipaliwanag ang kanilang sarili.

"Hindi natin sinasabi na may sabit sila o wala silang sabit.

"Ang masasabi lang natin, everybody has a say in court.

"Nasa sa kanila na iyon na sagutin yung mga paratang sa kanila, na may karapatan naman sila na marinig.

"Ngayon, yung mga—hindi lang si Secretary Bautista, kundi lahat ng tao—pribado man o gobyerno na di nakakaalam na dehado sila, so to speak, may karapatan din sila magreklamo at gumawa ng mga hakbang.

"So, kasama iyon sa demokrasya natin. Iginagalang natin yun."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 veteran broadcast journalist Mike Enriquez on taking a neutral stand on ABS-CBN's franchise renewal woes: "Hindi ba, meron turo sa atin na huwag tayong magbunyi sa kamalasan o sa kasamaang-palad ng iba?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results