Mark Herras reacts to rumors linking Winwyn Marquez to Alden Richards

by Rommel Gonzales
Jun 14, 2019
Mark Herras on falling in love again: "If given a chance to have a new relationship or a new love life, I think ready naman ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Aware daw si Mark Herras sa pagkaka-link ngayon sa ex-girlfriend niyang si Winwyn Marquez at sa kaibigan nilang si Alden Richards.

Sabi ni Mark tungkol dito, “Bahala sila kung totoo man yun or hindi, di ba?

“Alam ko naman. I mean, I’m not here to judge, pero kilala ko sila.”

Pero idinadamay ng ilang netizens si Mark sa pamamagitan ng pagta-tag sa kanya ng news reports tungkol sa pagkaka-link nina Winwyn at Alden.

“I mean, siyempre may mga nagta-tag sa akin, na parang kung anu-ano ang sinasabi.

“Siyempre alam mo naman ang mga ano, every time na may…

“Oo, e, ako naman, automatic, block.”

Ano ang mga sinasabi ng bashers?

“‘O yung kaibigan mo, dyudyowain ang ex mo!’”

Hindi raw sinasagot ni Mark ang bashers.

Matagal nang magkaibigan sina Winwyn at Alden.

“Oo, matagal na,” pagsang-ayon niMark.

Continue reading below ↓

Nananatiling magkaibigan pa rin sina Mark at Winwyn kahit break na sila, at magkaibigan pa rin daw sila ni Alden.

“Oo naman,” pakli ni Mark.

“Yun nga lang, tagal na naming hindi nagkikita, hindi naman ako naglalalabas ng bahay.

“Si Tisoy, it doesn’t mean naman na hindi kami nagkikita, e, hindi kami magkaibigan.”

“Tisoy” ang tawag ni Mark kay Alden.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa taping ng Bihag sa Marina - Iloilo, Oysters and Seafood restaurant, sa Quezon City, noong May 28.

FALLING IN LOVE AGAIN

Kailan handang umibig muli si Mark?

“Anytime,” mabilis niyang sagot.

“Hindi naman, kumbaga, I’ve been in a relationship na maayos na natapos because of, like, personal issues, di ba?

“Hindi naman siya relationship na parang, ‘A, nag-away kami, naghiwalay kami.’”

Hindi raw pangit ang naging hiwalayan nila ni Winwyn.

Continue reading below ↓

“So, I think, if given a chance to have a new relationship or a new love life, I think ready naman ako.”

Wala na bang balikan or second chance sa kanila ni Winwyn?

“Huwag na nating pag-usapan ang second chance,” pag-iwas ni Mark.

Basta magkaibigan daw sila.

“Okay kaming friends.”

Wala raw siyang nililigawan ngayon.

“Pero siyempre ako, like, ngayon sobrang thankful ako dahil sobrang busy ako sa work, di ba?

“I mean, hindi mo naman kailangang bigyan ng oras yun, e,” pagtukoy ni Mark sa paghahanap ng panibagong relasyon.

MARK HERRAS ON MAX COLLINS

Sa istorya ng Bihag, todo ang suporta ng karakter ni Mark na si SPO1 Larry Pineda sa karakter ni Max Collins na si Jessie.

May posibilidad kayang sila ang magkatuluyan sa istorya?

“Hindi ko alam, feeling ko hindi..

“Puwede, pero para sa atin, hindi puwede dapat… hindi, e, kasi may asawa siya,” pagtukoy ni Mark sa role ni Max.

Continue reading below ↓

Asawa ni Jessie si Brylle (Jason Abalos) pero may kabit ito, si Reign (Sophie Albert).

Saad pa ni Mark, “Lalaki ‘yan, e, sa ating mga Pilipino, sabihin nating hindi siya, unfair siya.

“Pero, di ba, lagi naman, kapag ang lalaki ang may ginawa, understandable, pero kapag babae ang gumawa, hindi.

“Sabihin na nating unfair, which is unfair naman talaga, pero ganun e.

“Pero hindi natin dapat i-tolerate na kapag lalaki puwedeng mangaliwa. Hindi dapat.”

Mataas daw ang paghanga ni Mark kay Max bilang aktres.

“Wala akong masasabi kay Max na, ‘A, si Max, ganito!’

“Hindi dahil kasama ko siya sa show, ha, pero mahusay siyang artista.

“And professional, laging maaga sa set, laging kabisado ang lines.

“‘Tapos kapag nagkakamali siya, sorry siya nang sorry.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras on falling in love again: "If given a chance to have a new relationship or a new love life, I think ready naman ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results