Jake Cuenca confirms dating Kylie Verzosa

by Bernie V. Franco
Jun 14, 2019
Jake Cuenca reveals he and Miss International 2016 Kylie Verzosa have been dating for seven months now. Jake also professes his love for the beauty queen-turned-actress.
PHOTO/S: Noel Orsal / @kylieverzosa on Instagram

“We’ve been dating for seven months.”

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Jake Cuenca sa tunay na estado ng relasyon nila ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.

April ng kasalukuyang taon nang mag-post si Kylie sa social media ng sweet photo nila ni Jake.

Bunsod nito, naintriga ang netizens kung may espesyal na namamagitan sa co-stars ng ABS-CBN afternoon teleseryeng Los Bastardos.

Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang posts ng dalawa sa Instagram ng mga larawan nilang magkasama.

Pero iwas si Kylie sa tuwing matatanong sa interviews tungkol sa estado ng relasyon nila ng aktor.

JAKE REVEALS RELATIONSHIP STATUS WITH KYLIE

Ngayong Biyernes, June 14, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jake sa press conference ng upcoming movie niyang KontrAdiksyon.

Medyo iwas man noong una, nagsalita na rin ang aktor nang usisain ng reporters kung ano ba ang real score sa kanila ni Kylie.

Continue reading below ↓

“I can only answer for me kung ako yung tatanungin.

“Kung ako tatanungin, I’d rather we both be there at the same time and confirm something together, di ba?

“Pero if you ask me, like I said, I’m very open with what I feel."

Dito na inamin ni Jake ang nararamdaman niya para kay Kylie.

Aniya, "I do love her from the bottom of my heart.

“Mahal na mahal ko siya.

“This is the happiest I’ve ever been.”

Bago si Kylie, ang huling napaulat na nakarelasyon ni Jake ay ang American model na si Sara Grace Kelley.

October 2016 nang aminin ni Jake ang breakup nila ni Sara.

Pero handa na raw si Jake pumasok sa isang relasyon pagkatapos ng ilang taon.

“I’m happy I’ve met her in this time of my life," pagtukoy ni Jake kay Kylie.

Continue reading below ↓

“At 31, I’m more mature when it comes to relationships, mas disiplinado ako ngayon, mas mature ako, and I know na parang I can take care of her.

“And that’s what I work for every day, I want to deserve her every day…”

Dugtong pa ng aktor, “Two years kong inaayos ang sarili ko, so two years akong nakapag-focus sa career, di ba?

“Ako kasi, nung sinabi ko na focused ako sa career, I meant it.

“I said I was gonna do theater, I was gonna study in the States, I was gonna do so many movies and so many TV shows—nd I did.

“Ngayon, parang two years later, I’m ready for a relationship.”

HOPING TO END UP WITH KYLIE

Si Kylie na ba ang gusto niyang pakasalan?

Sagot ni Jake, “Basta ako, mahal ko siya.

Continue reading below ↓

"Nandun ako sa hindi na rin ako bata.

“Kung ako lang papapiliin, yes, siya talaga."

Pag-amin pa niya, “We’ve been dating for seven months.”

Ibinahagi rin ni Jake kung ano ang mga nagustuhan niya kay Kylie.

“Si Kylie is such an amazing person.

“Nung una ko pa lang siyang makita noon sa Panday, parang crush ko na siya.

“But obviously, she was in a relationship at that time, 'tapos I knew baka magkatrabaho kami ulit.

“Nagkataon na pinartner kami sa Los Bastardos.

Unang nagkatrabaho sina Jake at Kylie sa Ang Panday, ang 2017 film na pinagbidahan at idinirek ni Coco Martin.

Dagdag pa ni Jake, “She’s such an amazing person inside and out.

“Yung pagiging beauty queen niya, hindi lang sa hitsura, sa personality na rin.”

JAKE CUENCA THE ACTOR

Puro papuri naman ang natanggap ni Jake mula sa direktor ng KontrAdiksyon na si Njel de Mesa.

Continue reading below ↓

Lahad ng direktor, wala siyang naiisip na ibang aktor na magagampanan nang mahusay ang role sa pelikula na tumatalakay sa paggamit ng illegal drugs.

Sabi naman ni Jake, hindi biro ang ibinigay niya sa proyekto.

“If you give a lot talaga, it’s very tiring, it’s frustrating, it’s confusing at times.

“Sometimes ginagawa mo yung eksena, you don’t know if what you’re doing is right anymore.

“The only time na feeling mo tama ang ginagawa ko pag sinabi sa akin ng director tama.”

Tinitiyak daw ni Jake na bago pa siya dumating sa set ay prepared na siya.

“Usually pagdating ko sa set—regardless kung theater, film or TV—I’m always ready to go. Nagawa ko na lahat ng homework ko.

“As an actor, kaya naman nila ako binabayaran is to give something new to the table na ako lang makakapagbigay.”

Continue reading below ↓

Kasama rin sa pelikula sina Kris Bernal, Katrina Halili, Arnold Reyes, Paolo Paraiso, at Ritz Azul.

Magbubukas sa mga sinehan ang KontrAdiksyon simula sa June 26.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca reveals he and Miss International 2016 Kylie Verzosa have been dating for seven months now. Jake also professes his love for the beauty queen-turned-actress.
PHOTO/S: Noel Orsal / @kylieverzosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results