Moira dela Torre respects Direk Joey Reyes's rant against Idol Philippines judges

by Melba R. Llanera
Jun 15, 2019
Idol Philippines judge Moira dela Torre on Direk Joey Reyes's recent controversial post questioning the credibility of some of the show's judges: "I respect their opinion. Di naman natin mapi-please ang lahat talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kailan lang ay naging kontrobersyal ang post ng batikang direktor at writer na si Direk Joey Reyes tungkol sa kanyang pagkuwestiyon sa kapasidad at karapatan ng ilang hurado sa isang singing competition na hindi niya pinangalanan.

Ayon kay Direk Joey, mas karapat-dapat manilbihang hurado sina Morissette Amon, Jed Madela at Gary Valenciano.

Hindi man deretsahang pinangalanan ni Direk Joey, alam ng mga netizens na ang mga Idol Philippines judges na sina Vice Ganda, Moira dela Torre at James Reid ang kanyang tinutukoy sa kanyang post, at dahil dito ay dinumog siya ng bashers.

Sa panayam ng PEP.ph kay Moira nung nakaraang Linggo, June 9, sa set ng ASAP Natin 'To, agad namin siyang hiningan ng reaksyon sa naging pahayag ni Direk Joey.

Pahayag niya, “Well, it goes for everyone that we respect their opinion. I respect their opinion.

“Di naman natin mapi-please ang lahat talaga.

“Kahit saan man tayo ilagay, mapa-Idol set man—kahit sa friendships natin, sa family—may mga bagay talaga tayo na di nakikita, di natin naiintindihan kung wala tayo dun sa lugar.

Continue reading below ↓

“Ang taas na nila, wala naman akong ibang mababato kundi respect for their opinions.

“I think for us as long as we are doing our job the best way we can, we are okay.

“I have nothing but respect for them.

“Siyempre, may mga tao naman talaga na sasabihin sa iyo nang maayos na baka puwede mong gawin ito, but nakikita namin yung effort na ite-take mo, pero yung mga hindi, kebs.”

NO ISSUE WITH MORISSETTE

Lumabas ang pangalan ni Morisette na higit daw na mas may karapatan para sa puwesto ni Moira.

Para naman kay Moira, walang isyu sa kanila ni Morissette.

Kibit-balikat niya, “Ganun talaga, siguro kung si Morisette yung nakuha, yung mga fans ko may masasabi din.

“I love Morissette, ang taas ng respeto ko sa lahat ng artists dito. Lahat sila magagaling.”

ETERNALLY GRATEFUL TO REGINE

Sa kabila ng pagkakaiba nila ng opinyon ni Regine sa isang Idol Philippines contestant ay dinepensahan pa rin ng Asia's Songbird sina Moira at James sa mga namba-bash at kumukuwestiyon sa kakayahan nila.

Continue reading below ↓

Dahil dito ay malaki ang pagpapasalamat ni Moira kay Regine.

Lahad niya, “Nagpapasalamat ako kasi di naman araw-araw yung makahanap ka ng tao na dedepensa sa iyo, ipagtatanggol ka, lalo na ipagtanggol ka ng isang Regine Velasquez.

“I'm very grateful kasi behind the chair, in our dressing to ASAP, nakaka-inspire po talaga si Mama Regs.

“Pag nakikita niya ako na pinaghihinaan ng loob, taping ng auditions na hindi ako at my best, wala siyang ibang sinabi kundi encouragement.

“I'm very, very happy to work with her.”

GOOD RATINGS

Nagpasalamat din si Moira sa consistent ratings ng Idol Philippines.

Aniya, “Sobrang saya namin, sobrang grateful.

“We all gave our everything, from the staff, to artists, to the judges.

“Lahat po ng nasa likod ng kamera ng Idol, binibigay nila ang lahat.

“To see our hard work pay off, nakakataba ng puso.”

Continue reading below ↓

NASAL CONDITION

Sa interview ni Moira sa Tonight With Boy Abunda kamakailan ay nabanggit din nito na nagkaroon siya ng necrosis sa ilong niya. Kinumusta namin ito sa singer.

“I'm better now.

“Basically nag-clog yung veins.

“Ang dami, basically napunta ako sa point na naging at high risk ako on anuerysm, stroke and heart attack, pero di naman siya sobrang ganun ka-sure na ganun.

“Di ako nagpa-opera, na-treat lang.

“Everything is getting better.

“I'm still healing, di pa siya completely healed pero parating na dun,” paninigurado niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idol Philippines judge Moira dela Torre on Direk Joey Reyes's recent controversial post questioning the credibility of some of the show's judges: "I respect their opinion. Di naman natin mapi-please ang lahat talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results