Eddie Garcia remains in critical condition; doctor advises family to limit visitors

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2019
On his 10th day in hospital, veteran actor Eddie Garcia "continues to be in critical condition," according to his attending physician.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Martin / Bibeth Orteza

Ngayong Lunes, June 17, ang ika-sampung araw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia sa ospital matapos itong maaksidente sa set ng upcoming Kapuso primetime series na Rosang Agimat.

Hanggang ngayon, nananatili pa ring nasa kritikal na kundisyon ang award-winning actor-director.

Ayon sa latest medical bulletin ng attending physician ng 90-year-old star na si Dr. Regina Macalintal-Canlas ng Makati Medical Center, nakadepende na lamang sa ventilator ang paghinga ni Eddie.

Bahagi ng nakasaad sa Medical Bulletin ng Makati Medical Center ngayong araw:

“Mr. Garcia continues to be in critical condition.

“In his present condition, he is dependent on the ventilator to breathe and medications to support his blood pressure.

“We have advised the family to limit Mr. Garcia’s visitors to prevent complications from occurring.”

Continue reading below ↓

Noong June 8, Sabado, habang ginagawa ni Eddie ang isang action scene sa teleserye ng Kapuso Network, aksidente itong napatid na dahilan ng pagku-collapse ng beteranong aktor.

Unang napabalitang inatake sa puso si Eddie, ngunit lumabas na nagtamo ito ng neck fracture.

Nag-iimbestiga na ang GMA Network management tungkol sa insidente.

Sa ngayon, naka-DNR (Do Not Resuscitate) status si Eddie alinsunod na rin sa kagustuhan ng kanyang pamilya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On his 10th day in hospital, veteran actor Eddie Garcia "continues to be in critical condition," according to his attending physician.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Martin / Bibeth Orteza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results