Vice Ganda cracks joke about ABS-CBN franchise renewal issue

by Arniel C. Serato
Jun 19, 2019
Vice ganda on his joke about running for President: "Siyempre 'no, di nga tayo alam kung mari-renew so Presidente agad."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / ABS-CBN News on Facebook

Nagkabiruan tungkol sa pagtakbo sa eleksiyon sa segment ng It's Showtime na "KapareWho" ngayong araw, June 19.

Nag-uusap kasi ang hosts na sina Vice Ganda, Ryan Bang, Jhong Hilario, at Anne Curtis tungkol sa anti-fencing law na memoryado naman ni Vice.

Ang anti-fencing law ay ang pagbabawal sa pagbili o pagbebenta ng mga nakaw na bagay.

Sambit pa ni Vhong, bakit hindi tumakbo si Vice noong eleksiyon.

Tugon ni Vice, "Ay, naku, may balak ako, antayin niyo ako, President agad."

Dagdag pa niya, "Sabi ni Digong [President Rodrigo Duterte] sa akin, 'Pagkatapos ko ,ikaw magiging Presidente. Ako bahala.'"

Tanong ni Ryan, "Presidente ng Pilipinas?"

Birong sagot ni Vice, "Oo, Presidente agad.

"Siyempre 'no, di nga tayo alam kung mari-renew, so magpi-presidente agad."

Binawi naman kaagad ito ni Vice sabay sabing, "Charot lang!"

Nitong nakaraang June 12, lumabas sa isang broadsheet ang balitang nakabinbin pa rin ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil hindi umusad sa Committee on Legislative Franchises ang House Bill 4349 na naglalayong muling mabigyan ng prangkisa ang radio at TV broadcast giant sa susunod na 20 taon.

Continue reading below ↓

Mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 20, 2020.

Ayon pa sa ulat, inupuan daw kasi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala dahil sa sigalot ng istasyon kay President Duterte.

Kailangan i-file muli sa 18th Congress ang nasabing panukala upang maaksiyunan ito sa loob ng siyam na buwan bago pa mag-expire ang kanilang franchise.

Sa July 22, 2019 ang simula ng sesyon ng 18th Congress.

Ang alitan ng ABS-CBN at ni Pangulong Duterte ay nag-ugat sa hindi pag-ere ng istasyon sa political ad nito noong 2016 presidential elections.

Hayagang sinabi ng Pangulo sa ilan sa kanyang mga talumpati na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Ngunit, noong December 2017, nabanggit ng Pangulo na maaari siyang makipagkompromiso sa ABS-CBN kapag tutulong ito sa kanyang kampanya na mabago ang uri ng gobyerno mula Presidential patungo sa pagiging Pederalismo.

Pero nitong nakaraang taon, muling inulit ni Duterte ang kanyang banta laban sa Kapamilya network.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice ganda on his joke about running for President: "Siyempre 'no, di nga tayo alam kung mari-renew so Presidente agad."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results