Eddie Garcia longtime partner Lilibeth Romero "quite composed" after actor's death

by Arniel C. Serato
Jun 20, 2019
Lilibeth Romero and Eddie Garcia had been together for 33 years until the passing of the veteran actor.
PHOTO/S: Miguel Pastor on Facebook

Kalmado raw si Lilibeth Romero, longtime partner ni Eddie Garcia, matapos bawian ng buhay ang beteranong aktor.

Sumakabilang-buhay si Eddie ngayong hapon ng Huwebes, June 20, pagkatapos maratay sa banig ng karamdaman sa loob ng 12 araw.

Si Eddie ay pumanaw sa edad na 90.

Sina Eddie at Lilibeth ay nagsama sa loob ng 33 taon.

Ayon sa ipinadalang mensahe ng spokesperson ng pamilya na si Dr. Tony Rebosa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mas kalmado na si Lilibeth kumpara noong mga nakaraang araw.

Alam din daw nitong nasa payapa na si Eddie at hindi na ito makakaramdam ng anumang sakit.

Pahayag ni Dr. Rebosa sa text message niya sa PEP.ph: “I have just talked with Lilibeth.

"She is quite composed unlike the last few days.

"She knows that Tito Eddie is now at peace and there's no more pain.

“Details of wake to follow. No definite venue yet.”

Continue reading below ↓

EDDIE GARCIA'S ACCIDENT

Noong katanghalian ng June 8, Sabado, aksidenteng napatid si Eddie habang kinukunan ang isang eksena sa taping ng upcoming series ng GMA-7 na Rosang Agimat.

Nadapa si Eddie na naging resulta sa pagkabali ng kanyang leeg.

Mula noon ay nalagay sa critical condition at na-comatose ang award-winning actor/director sa Makati Medical Center.

Kalaunan, pumayag na rin ang pamilya na ilagay sa “Do Not Resuscitate” o DNR status si Eddie.

Bandang 4:55 P.M. ngayong hapon, June 20, idineklara ang oras ng kamatayan ng batikang aktor.

Bumuhos naman sa social media ang mensahe ng pakikiramay mula sa celebrities na nakatrabaho, kaibigan, at nakakakilala kay Eddie.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang GMA Network sa pagpanaw ng aktor.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lilibeth Romero and Eddie Garcia had been together for 33 years until the passing of the veteran actor.
PHOTO/S: Miguel Pastor on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results