Judy Ann Santos answers mixed reactions to her post on Eddie Garcia's death

by Rachelle Siazon
Jun 21, 2019
Judy Ann Santos tells netizens it's a no-blame game, but everyone must learn from the death of legendary movie and TV idol Eddie Garcia. She adds: "wala namang may gusto sa nangyari im sure.."
PHOTO/S: Noel Orsal / @officialjuday Instagram

Lubos na nakikiramay si Judy Ann Santos sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia, 90.

Kahapon, June 20, binawian ng buhay si Eddie matapos siyang ma-coma ng 12 araw dahil sa isang aksidente sa upcoming teleserye ng GMA-7 na Rosang Agimat.

Hindi man daw nakatrabaho ni Judy Ann si Eddie, ginunita ng aktres ang mga pagkakataong nakakasalamuha niya ito.

Pahayag ng Kapamilya actress (published as is):

"Nakakalungkot... nakakahinayang na hindi ko nagawang makatrabaho ang isang napaka professional at batikang artista..

"pero naggawa kong makamayan at makausap ng maraming beses..

"maraming salamat tito eddie.. mananatili kang nag iisa sa industriyang ito .."

Kasabay nito ay inihayag din ni Judy Ann na sana ay kapulutan ng aral ang nangyaring aksidente kay Eddie.

"sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks sa tamang pag aalaga, pagbigay ng sapat na kaalaman sa lahat ng taga production artista man o hindi, pagdating sa mga ganitong sitwasyon..

Continue reading below ↓

"maaring naiwasan sana .."

Ang tinutukoy ni Judy Ann ay ang balitang napatid si Eddie sa isang cable wire sa on-location taping nito sa Tondo, Manila.

Natumba si Eddie at nagka-fracture sa bandang leeg—bagay na kinumpirma ng longtime partner nitong si Lilibeth Romero.

Dagdag ni Judy Ann: "paalam sir eddie garcia.. hanggang sa huli ibinukas mo ang mata ng industriya..

"kung paanong dapat pahalagahan at wag balewalain ang kaligtasan ng bawat taong nagtatrabaho sa produksyon..

"mapayapang paglalakbay sir eddie.."

JUDY ANN, NETIZENS EXCHANGE OF COMMENTS

Sa comments' section ng post ni Judy Ann, isang netizen ang umalma na hindi na raw dapat manisi pa ang Kapamilya actress sa nangyari kay Eddie.

"Kailangan bang i-blame ang pagpanaw ni Eddie Garcia sa nangyari? Aksidente nga di ba!

"Lets just pray for his soul and remembers all his good doings and being a great actor!

"#istillloveyouJuday pero hwag ganon,,, maybe God has a purpose in everything, we just have to accept what happened and not to blame!"

Continue reading below ↓

Sinagot agad ni Judy Ann ang netizen.

Paglilinaw niya: "again.. wala po akong sinisisi.. im just saying and hope maging daan ito para sa lahat na maging handa sa mga ganitong klaseng aksidente at insidente..."

Tanong naman ng isang netizen kay Judy Ann: "Masasabi mo po ba yan kung sa mother network mo yun nangyari?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Judy Ann, "yes."

Isa pang netizen ang nagkomento ng opinyon nito na hindi raw dapat sisihin ang GMA-7 o ang produksiyon na bumubuo ng teleseryeng Rosang Agimat sa nangyari kay Eddie.

"Minsan po tlga kahit gusto pa natin makasama Pa sila kung hanggang dun n lng po ang niloob ng Diyos wala naman po tayo magagawa," saad ng netizen.

Continue reading below ↓

Sagot ulit ni Judy Ann: "wala namang may gusto sa nangyari im sure.."

MORE LESSONS LEARNED

Nakapalitan din ni Judy Ann ng kuru-kuro ang ilan pang netizens.

Sabi ng isa rito, hindi lang dapat artista ang pinoprotektahan kundi ang lahat ng bumubuo sa produksiyon ng teleserye.

Pati ang "patayan 24hrs" na walang tulugan para lang makapag-taping ay dapat daw baguhin.

Continue reading below ↓

Sumang-ayon dito si Judy Ann.

Sa huli, may netizen na nagsabing marahil ay nakatadhanang "oras" na ni Sir Eddie at "naging dahilan nlng un incident sa shooting" sa pagpanaw nito.

"kse nasa sinapupunan pa lang tau ng ating mga magulang..nakasulat na kung hanggang saan lang tayo sa mundong ito," dagdag ng netizen.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Judy Ann, "naniniwala din ako dyan."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos tells netizens it's a no-blame game, but everyone must learn from the death of legendary movie and TV idol Eddie Garcia. She adds: "wala namang may gusto sa nangyari im sure.."
PHOTO/S: Noel Orsal / @officialjuday Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results