Nova Villa attests to Eddie Garcia's love for acting

by Melba R. Llanera
Jun 22, 2019
Nova Villa on Eddie Garcia's family: "Sa umpisa, shocked ka, masakit. Pero afterwards, you will surrender para huwag na lang mahirapan. Something like that."
PHOTO/S: Jerry Olea / Nova Villa

Nagluluksa ngayon ang buong industriya ng pelikula at telebisyon dahil sa pagpanaw ng batikang aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Pumanaw si Eddie noong Huwebes, June 20, sa edad na 90.

Halos dalawang linggo na-confine sa ospital ang beteranong aktor matapos maaksidente sa taping ng upcoming GMA-7 drama series na Rosang Agimat noong June 8.

Dahil sa insidente ay nagkaroon ng cervical fracture ang aktor, na-comatose, hanggang sa tuluyan siyang bawian ng buhay.

Bago pa man pumanaw si Eddie, bumuhos na ang panalangin para sa beteranong aktor.

Isa sa nagpahayag ng kalungkutan sa sinapit ni Eddie ay ang kasamahan sa trabaho at kapwa senior artist nitong si Nova Villa.

“Everybody was shocked sa nangyaring yun, parang maluha-luha ka talaga dahil sa nakita mo yung pangyayari.

“Totoo talaga na mapapadasal ka na mag-survive sana,” sabi ni Nova sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa 42nd Gawad Urian, na ginanap sa Cine Adarna UP Film Center noong June 18 o dalawang araw bago pumanaw si Eddie.

Continue reading below ↓

Nagsalita rin ang 72-year-old actress tungkol sa pagbibigay-proteksiyon sa kanilang senior stars sa taping o shooting.

Saad ni Nova, “Sa ganyang edad, dapat protektado na ng istasyon, ng staff ng programa dahil matatanda na.

“Huwag mo na masyadong patakbuhin, pasampalin, yung mag-e-exert ng effort ba.

“Because they can act, they can still act, kahit di mag-action, paartehin mo lang, kuhang-kuha pa rin.”

EDDIE'S LOVE FOR ACTING

Kung si Nova raw ang masusunod, gusto niyang sana ay nagpahinga at in-enjoy na lang ni Eddie ang buhay nito at di na gaanong nagtrabaho.

Pero kilala raw si Eddie na sobra ang pagmamahal sa pag-arte at sining, kaya hindi ito mapipigilan ng kahit na sino.

“He's been in the industry for so many years, pero he loves acting.

“Hay naku, mahal na mahal niya talaga.

“Mayroon siyang sinabihan, sinabi nung actor, ‘Bakit di ka pa mag-retire? Mag-travel ka, enjoy-in mo ang buhay mo.’

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘Mamamatay ako pagka hindi ako umaarte.’”

Pinatunayan ni Nova kung gaano kapropesyunal si Eddie bilang isang artista at direktor.

“Laging maaga ‘yan, talo niya ang lahat ng artista. Seven o'clock ang call, 4 o'clock nandun na siya.”

Sa kabila ng masakit na pinagdadaanan ngayon ng naiwang pamilya ni Eddie, positibo si Nova na malalampasan ito ng mga mahal sa buhay ng namayapang aktor

“Nababasa at naririnig ko naman sa mga radio that Lilibeth is a very strong woman," pagtukoy ni Nova sa longtime partner ni Eddie na si Lilibeth Romero.

“Kapag madasalin kang tao, inaalay mo na sa Diyos ang lahat.

“Sa umpisa, shocked ka, masakit.

“Pero afterwards, you will surrender para huwag na lang mahirapan. Something like that.”

Na-cremate na ang mga labi ni Eddie Garcia noong Biyernes ng madaling-araw, June 21.

Nakalagak ang abo ng beteranong aktor sa Heritage Memorial Park sa Taguig City hanggang bukas, June 23.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nova Villa on Eddie Garcia's family: "Sa umpisa, shocked ka, masakit. Pero afterwards, you will surrender para huwag na lang mahirapan. Something like that."
PHOTO/S: Jerry Olea / Nova Villa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results