Vice Ganda fights attraction to Idol Philippines contestant; hints about relationship

by Rachelle Siazon
Jun 24, 2019
Vice Ganda asks for a hug from an Idol Philippines contestant, then quips about avoiding temptation.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin Instagram / Screengrab from Idol Philippines Youtube

Hindi napigilan ni Vice Ganda ang kiligin nang masilayan ang Idol Philippines contestant na si Roque Belino.

Ang Idol Philippines ay ang reality talent show ng ABS-CBN kung saan judges sina Vice, Regine Velasquez, James Reid, at Moira dela Torre.

Paglabas pa lang ng stage ni Roque, tila nagpa-cute pa si Vice na matamis na nginitian ang contestant.

"Hi, Roque. How are you?"

Sagot ng contestant, "Maayos naman, mabuti po."

Sabay humirit si Vice na, "Giniginaw ako, Roque, e."

Continue reading below ↓

Nang sabihin ni Vice na gusto niya ng yakap, napabungisngis ang co-judge niyang si Regine.

Sabi pa ni Regine sa contestant, "Umakap ka dali!"

Habang papalapit si Roque sa judges, nakangiting sabi ni Vice, "Roque, huwag kang lalapit! Huwag kang... Oh my god!"

Umakap naman agad si Roque kay Vice sabay nagtanong, "Mainit na po?"

Napapikit-mata si Vice habang dinadama ang yakap sa kanya ng contestant.

"May pumapasok pang lamig, Roque... Dalhin mo ako sa minahan," pabebeng sambit ni Vice.

Continue reading below ↓

IN-A-RELATIONSHIP STATUS

Maya-maya pa ay bumitaw rin si Vice, ibinalik sa normal ang kanyang boses, at pinapunta ulit ang contestant sa stage.

"Dun ka na nga! Dun ka na. Sisirain mo pa ang relasyon ko."

Sa puntong ito ay nagulat si Regine, "Woooow!"

Pahiwatig pa ni Vice na may nagmamay-ari na ng kanyang puso, "Relasyon?!"

Kung anuman ang sumunod na hirit ni Vice ay naputol na dahil ibinalik ang pokus ng eksena sa performance ng contestant.

Sa kasamaang-palad, hindi nakapasok sa Top 12 ng Idol Philippines si Roque.

VICE'S RUMORED BOYFRIEND

Pero hindi lingid sa kaalaman ng mga masugid na tagasubaybay ni Vice na ilang buwan na siyang nauugnay kay Ion Perez, aka Kuya Escort.

Si Ion ay madalas na tinutukso kay Vice sa "Kapare-Who" segment ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Continue reading below ↓

Noong Marso, umamin si Ion na espesyal si Vice sa kanya.

Naganap iyon nang bumisita si Ion sa taping ng Gandang Gabi Vice, ang Sunday late-night talk show ng comedian-TV host.

Mula noon ay paunti-unting nagbibigay ng pahiwatig ang dalawa tungkol sa nararamdaman nila sa isa't isa.

Pinakahuli ay noong June 6, sa book launch ni Vice.

Sabi ni Vice, "Happy naman ang mga buhay namin ni Ion, that’s the real score.

"Ion and I are both happy."

Maliban doon ay tikom na ang bibig ng comedian-TV host.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda asks for a hug from an Idol Philippines contestant, then quips about avoiding temptation.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin Instagram / Screengrab from Idol Philippines Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results