John Lloyd Cruz gets birthday greeting from Star Magic

by Arniel C. Serato
Jun 25, 2019
John Lloyd Cruz quietly celebrates his 36th birthday, but his Star Magic family did not forget to send him a greeting.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz / Nenette Demillo Rustia on Facebook

Ipinagdiwang ni John Lloyd Cruz ang kanyang ika-36 kaarawan kahapon, June 24.

Para sa isang sikat na artistang kagaya niya, kapansin-pansing walang post sa social media kung nagkaroon ba ng selebrasyon ang aktor.

O baka talagang ninais maging pribado ni John Lloyd kung anumang espesyal na okasyon sa kanyang buhay.

Sa kanyang verified account sa Facebook, kalakip ang larawan ng aktor, isang “Happy Birthday John Lloyd Cruz” lamang ang nai-post dito kahapon.

Continue reading below ↓

STAR MAGIC GREETS JOHN LLOYD

Sa Instagram account naman ng Star Magic—ang talent management ng ABS-CBN na humawak sa career ni John Lloyd mula nang magsimula ito sa showbiz—isang simpleng mensahe ng pagbati ang ipinaabot nila sa on-leave actor.

Naka-leave sa showbiz si John Lloyd, simula pa noong October 2012, matapos lumabas ang balitang ipinagbubuntis ni Ellen Adarna ang kanilang anak.

Saad sa post ng Star Magic: “Happy Birthday John Lloyd from your Star Magic family!”

Continue reading below ↓

Ang dating road manager ni John Lloyd sa Star Magic na si Nenette Rustia ay may emosyunal na mensahe para sa aktor.

Nakalagay sa post ni Nenette sa Facebook kahapon:

“Happy happy birthday to this person that i admire so much, not just for loving what he's doing but for having a kindest heart.

"May the Good Lord continue to shower you all his blessings.

"I know that you already have a heart full of love and happiness!

"Love you anak! Take care. Enjoy your day!”

OGIE DIAZ: "LOVE YOU, PARE!"

Ang isa naman sa labis na nakaka-miss kay John Lloyd ay ang dati nitong kasamahan sa Home Sweetie Home na si Ogie Diaz.

Sabi ni Ogie sa kanyang post ngayong araw, June 25:

“Belated happy bday, John Lloyd Cruz!

"Alam ko ine enjoy mo lang ang private life mo, pero once you decide to return, aaay nako, sinasabi ko sa yo, madali kang makakabalik, dahil malakas pa ang clamor sa yo.

Continue reading below ↓

"Na-miss ko bigla ang mga eksena natin sa 'Home Sweetie Home.'

"Ikaw ang dahilan kumbakit nami-miss ko nang tumili. Hahahaha!!!

"Ganumpaman, love you, pare!

"Enjoy mo lang yang kasimplehan mo ngayon basta wag mo lang pababayaan ang sarili mo at ang kalusugan.

"Credit to Home Sweetie Home

"No copyright infringement

"I just miss this guy."

Continue reading below ↓

May ilang netizens ang nagsasabing ini-enjoy talaga ni John Lloyd ang kanyang private life kasama si Ellen at anak nilang si Elias Modesto.

Nitong nakaraang linggo lamang, umingay naman ang pangalan ni John Lloyd dahil sa pagbago nito ng kanyang profile picture sa Facebook.

Ayon sa ibang komento, baka raw hudyat ito ng "big showbiz comeback" ang magaling na aktor.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz quietly celebrates his 36th birthday, but his Star Magic family did not forget to send him a greeting.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz / Nenette Demillo Rustia on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results