Rapper John Roa reconciles with former group Ex Battalion

by Glenn Regondola
Jun 28, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya ang rapper na si John Roa na naayos na ang relasyon niya sa mga miyembro ng Ex Battalion.

Matatandaang nagkaroon sila ng isyu mula nang umalis si JRoa sa grupo at pumirma ng kontrata sa Viva Entertainment, Inc. bilang solo artist.

Pero dahil mahal niya ang grupong ito, kung saan siya nagsimula, siya raw mismo ang gumawa ng paraan upang mailagay sa tama ang kanilang pagkakaibigan.

Pahayag ni JRoa, “Kumbaga, wala na po sa amin yun. Wala na.

“Nakipag-usap ako sa kanila.

“We’re good friends. We can still make music together.

“I can make my own music. They can do their own stuff.

“Parang ang importante, at the end of the day, may suporta sa isa’t isa.”

Matagal na raw naayos ang kanilang di pagkakaunawaan, pero ngayon lang ito naisapuliko.

Ayon sa 19-year-old rapper, “Actually, yung dati pa po nung nagsipaglabasan, yung nagkaganyan-ganyan, matagal na nila akong tinanggap.

Continue reading below ↓

“Mas ngayon lang talaga kami naging visible na okey kami.

“Sa totoo lang kasi dati, okey kami, pero hindi ko masasabing sobrang ganun,

“Ngayon po, masasabi ko po na sobrang okey kami.

“Wala na yung...”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si JRoa sa media launch ng “Guinness World Record Attempt for Most People Dribbling Basketball Simultaneously,” na ginanap sa SMX Convention Center, sa SM Mall of Asia, Pasay City, kahapon, June 27.

Si JRoa ang kumanta ng jingle ng big event na magaganap sa SM Mall of Asia Concert Ground sa July 21.

COLLABORATION WITH EX BATTALION

Para patunayang magkasundo na sila, ibinahagi ni JRoa na isa sa miyembro ng Ex Battalion ang mag-aayos sa bagong ilalabas niyang extended play.

Saad niya, “Actually, dun ako ngayon…

“Kasi si Boss Juan, siya ang magmi-mix nung ilalabas kong EP, hopefully this July 19.

Continue reading below ↓

“Dun nga ako galing ngayon, dahil we’re working on the songs for three days.

“Kaya ginagawa ko yung sarili kong music, para marinig ng tao yung bagong message ko sa kanila, yung bagong tunog.

“Basta after more than one year, siyempre good terms pa rin kami, nagkikita pa rin.

“‘Tapos pumupunta ako sa kanila.

“Gusto ko pa rin talagang ibalik yung bonding, kasi yun ang talagang nawala dati.

“Ngayon bumalik siya, and imagine leaving the group, and now I’m releasing my first EP, and ang magmi-mix nung vocals is the guy who mixes my vocals as ExB.

“Para sa akin, process talaga yun.”

Ayon pa kay JRoa, itinuturing siya bilang bunso ng grupo, kaya ang kanyang pagpapakumbaba upang muling maging malapit muli sa Ex Battalion ay naging madali rin para sa lahat.

Read Next
Read More Stories About
john roa, ex battalion, jroa
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results