Vico Sotto has the funniest tweets after winning as Pasig mayor

by Rachelle Siazon
Jul 1, 2019
Still armed with his usual humor, Pasig City Mayor Vico Sotto continues to trade funny tweets with Pasiguenos in his Twitter account.
PHOTO/S: @VicoSotto Twitter

Si Vico Sotto na mismo ang nagsabing hindi porke't nahalal siyang mayor ng Pasig City ay mawawala na ang kanyang likas na pagiging makulit at mapagbiro.

Patunay nito ang tweet ni Mayor Vico tungkol sa lumabas na litrato niyang tila may wardrobe malfunction sa kanyang suot na barong.

Isang netizen ang nagkomento na "nasunog ng plantsa yung right armpit part" ng barong ni Vico, sa oath taking at inauguration niya bilang alkalde kahapon, June 30.

Base sa litratong ipinakita ng netizen ay makikitang may itim nga sa bahaging iyon ng damit ng binata.

Sumagot naman si Vico at natatawang nilinaw na maayos at walang anumang sira ang kanyang barong.

Continue reading below ↓

MAKING FUN OF HIS OOTD

Two weeks ago, isang netizen ang pumuna sa isang litrato ni Vico kung saan nakunan siyang nakasuot ng basketball shorts, polo shirt, at loafers.

Tila walang arte sa katawang sagot naman ni Vico, "Walang pakialamanan ng style! Buti nga di ko sinuot yung sombrero sa likod eh"

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy niyang sombrero ay ang palamuting makikita sa background ng litrato.

Noong June 1, nag-tweet din si Vico tungkol sa kanyang kuwelang personalidad.

"Akala yata ng ibang tao naging very prim and proper ako bigla. Di nila alam na ay stiff neck lang kasi ako."

ON NETIZEN CALLING HIM "BABE MAYOR"

Kung minsan ay nakikipagkulitan pa si Vico sa mga taga-Pasig na naghahayag ng pagtatangi sa kanya.

Continue reading below ↓

Tulad ng isang estudyanteng taga-Pasig na tumawag kay Vico na "babe mayor."

Tweet ng netizen, sana raw ay panatilihin ni Vico ang scholarship program ng Pasig dahil ang alkalde na lang daw ang pag-asa nitong makapagtapos ng kolehiyo.

Sagot ni Vico: "Yes for the first year we will maintain the current funding and focus on streamlining requirements, processeses.

"Pero next time na tawagin mo kong 'babe mayor' may 500 peso penalty hahaha"

Continue reading below ↓

VICO'S TARP AS SOUVENIR

Isa pang netizen ang naghayag ng pagnanasa sa tarp na may mukha ni Vico, na ginamit nang nagdiwang siya ng ika-30 kaarawan noong June 17.

Biro ng netizen, "Mayor @VicoSotto pakitanggal na nyan at pakilagay na lang sa bahay."

Sagot naman ni Vico, "Kunin mo na po magpapasalamat pa ko sa yo haha"

Continue reading below ↓

VICO'S INAUGURAL ADDRESS

Sa kabilang banda, siniguro ni Vico sa kanyang unang talumpati bilang Pasig mayor na handa siyang simulan ang ipinangakong pagbabago sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Bahagi ng pahayag ni Mayor Vico sa kanyang oath taking kahapon:

"Malinaw ang tinig ng taong bayan.

"Tama na ang pulitikang gumagawa ng takot at alitan sa ating mga mamamayan.

"Tama na ang pulitikang hinahawakan tayo sa leeg para sa mga benepisyong karapatan naman natin."

Nais din daw niyang palakasin ang "public health care system" sa Pasig, sa pamamagitan ng pagsulong na maging "service providing" sa halip na "income generating" ang mga ospital doon.

Sabi pa niya, wala raw mangyayaring demolisyon at relokasyon hangga't walang maayos na tirahang maibibigay sa mga taong sakop ng lugar.

"Sa madaling salita, polisiya na makatao, makatarungan, at sumusunod sa batas."

Sa kanya namang unang Executive Order bilang mayor ng Pasig, sinuspinde ni Vico ang odd-even traffic scheme sa lungsod.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Still armed with his usual humor, Pasig City Mayor Vico Sotto continues to trade funny tweets with Pasiguenos in his Twitter account.
PHOTO/S: @VicoSotto Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results