Gabbi Garcia understands GMA-7's decision to shelve Rosang Agimat

by Nikko Tuazon
Jul 4, 2019
Gabbi Garcia hosted the launch of Maybelline New York's latest makeup collection last Tuesday, July 2, at Common Ground in Bonifacio Global City, Taguig.
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Kinumpirma ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na shelved muna ang teleseryeng pagbibidahan niya, ang Rosang Agimat.

Sa taping ng Rosang Agimat sa Tondo, Manila noong June 8 naganap ang aksidente ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Nagtamo ng neck at cervical fracture ang beteranong aktor pagkatapos matalisod sa isang gun-fighting scene para sa nasabing teleserye.

Pagkalipas ng 12 araw, noong June 20, tuluyan nang pumanaw si Eddie sa edad na 90 dahil sa aksidenteng iyon.

Usap-usapan noong nakaraang buwan na nagdesisyon ang GMA-7 na i-hold ang Rosang Agimat, ngunit hindi pa pormal na nagbibigay ng anunsiyo ang TV network tungkol dito.

Nagbigay ng maikling pahayag si Gabbi tungkol dito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang launch ng mga bagong produkto ng Maybelline New York sa Taguig City noong Martes, July 2.

Ayon kay Gabbi, naiintindihan niya ang desisyon ng kanyang home network na i-shelve ang Rosang Agimat, kung saan siya ang gaganap sa title role.

Continue reading below ↓

Aniya, "Right now, it's on hold.

"You know, it happens, and it's a very unfortunate happening."

Ikinalulungkot din ng buong cast at crew ng Rosang Agimat ang mga pangyayari.

Aniya, "Of course, we're all sad. It's a devastating situation for us.

"It happened and walang may gusto...

"It was an accident and, you know, I don't want to be selfish 'tapos sasabihin ko nakakalungkot, kasi lahat naman kami nawalan ng trabaho, e.

"It's just that we're waiting for further announcements kung ano na ang mangyayari.

"But, as of now, it's on hold."

Sa ngayon, pinaghahandaan ni Gabbi ang kanyang kanyang pelikulang LSS kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.

Kabilang ang nasabing pelikula sa official entries ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Isang international digital series din daw ang gagawin ni Gabbi, ngunit hindi pa nagbigay ng detalye ang Kapuso actress.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabbi Garcia hosted the launch of Maybelline New York's latest makeup collection last Tuesday, July 2, at Common Ground in Bonifacio Global City, Taguig.
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results