Juliana Gomez clarifies she and Andres Muhlach are just friends

by Bernie V. Franco
Jul 4, 2019
Is there a possibility that Andres Muhlach and Juliana Gomez will be more than friends? Juliana answers the question.
PHOTO/S: Photos from Instagram

Marami ang naintriga nang mai-post sa social media ang mga larawan ng showbiz royalty na sina Andres Muhlach at Juliana Gomez.

Si Andres, 18, ay anak ng dramatic actor na si Aga Muhlach at beauty-queen-turned-actress na si Charlene Gonzalez; habang si Juliana, 18, ay ang unica hija nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte Representative Lucy Torres.

Kuha ang larawan nina Andres at Juliana sa junior-senior prom night ni Andres sa The Bellevue Manila sa Alabang, Muntinlupa, noong May 30.

Si Juliana ang prom date ni Andres noong gabing iyon.

Positibo ang reaksiyon ng publiko sa date night ng dalawa, at marami ang nagsabing bagay sila.

Sa panayam ng ABS-CBN entertainment reporter na si Jeff Fernando kay Juliana para sa Umagang Kay Ganda nitong July 4, Huwebes, inalala ng dalaga kung paano siya tinawagan at tinanong ni Andres kung puwede siyang maging date nito sa prom night.

Kuwento niya, “He just contacted me. Casual lang, like, ‘You wanna go to the prom?’

Continue reading below ↓

"And I said, ‘Yeah, why not?’

"But prior to that, his dad contacted my dad.”

Tila marami naman ang malulungkot sa mga umaasang may mabubuong espesyal na pagtitinginan sa pagitan nina Juliana at Andres.

Wala pa raw kasi sa isip nila ang magligawan at iba raw ang kanilang prayoridad, gaya ng pag-aaral.

“I don’t think…. We’re really… we’re really just friends. Iba pa yung priorities namin,” ani Juliana.

Continue reading below ↓

COMMON FRIENDS

Samantala, sa isang eksklusibong panayam kay Richard noong June 1, sinabi nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkakilala sina Juliana at Andres dahil mayroon silang common friends.

Natawa rin lang ang Ormoc City mayor nang hingan ng pahayag tungkol sa positibong reaksiyon ng publiko sa date nina Juliana at Andres.

“Hindi ko alam,” sagot ni Richard sa positive feedback ng publiko.

“It’s nice to see na magkaibigan sila."

Sabi pa ng aktor, lumabas sina Juliana at Andres, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan, pagkatapos ng prom night.

Kinumpirma rin ni Richard ang pahayag ni Juliana na bago tumawag si Andres sa dalaga, nag-text muna at tumawag si Aga sa kanya para ipaalam na maging date ni Andres si Juliana.

Ibinahagi rin ni Richard na papasok na sa kolehiyo si Juliana at plano nitong kumuha ng Public Administration course sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is there a possibility that Andres Muhlach and Juliana Gomez will be more than friends? Juliana answers the question.
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results