Netizens react to KC Concepcion's post about "single ladies"

by Bernie V. Franco
Jul 9, 2019
KC Concepcion's post and reference to self as a "single lady" stirs debate if she and French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart have broken up. The actress has yet to address the issue.
PHOTO/S: @itskcconcecpcion on Instagram

Hiwalay na ba si KC Concepcion at ang French boyfriend niyang si Pierre Emmanuel Plassart?

Ito ang tanong ng ilang netizens kaugnay ng Instagram post ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nitong Lunes, July 8.

Sa naturang social media post, ikinuwento ng 34-anyos na actress-businesswoman na isang linggo siyang nagkasakit at inalagaan ang sarili para gumaling.

Pero ang nakapukaw ng atensiyon ng netizens ay ang bahagi ng post ni KC na “we single ladies.”

Mensahe ni KC: “Living on my own, I nursed myself for a full week to get through the seasonal flu

“These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home

“It’s really about how much Love surrounds you!!!”

Continue reading below ↓

NETIZENS ASK IF KC IS SINGLE NOW

Sa comments section, marami ang nagpahayag ng malasakit kay KC.

Pero may ilang netizens din ang nagtalo kung ang caption ba ng aktres ay pahiwatig na single na siya ngayon.

Ayon pa sa iba, ang long-distance relationship nina KC at Pierre ang dahilan ng diumano'y breakup nila.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May mga nagtanggol naman kay KC at sinabing ang pakahulugan nitong “single” ay walang asawa, pero hindi raw nangangahulugang break na sila ng kanyang boyfriend.

Continue reading below ↓

Ang iba namang netizens, naobserbahan daw na patuloy pa rin ang pagla-like ni Pierre sa Instagram posts ni KC.

Pero ilang buwan na raw hindi nagla-like si KC sa posts ni Pierre.

Continue reading below ↓

KC SHRUGS OFF BREAKUP RUMORS LAST MAY

Noong May 2019, sinagot ni KC ang breakup rumors matapos magtanong ang netizens kung sila pa ba ng kanyang French filmmaker-businessman boyfriend.

Napansin kasi nilang hindi na madalas mag-post si KC kasama ang boyfriend.

Diretsang sagot ni KC noon, gusto lang niya ng privacy para sa kanyang relasyon.

Comment ni KC: “Dahil hindi nagpopost at may konting privacy, ganun agad? Grabe [laughing emoji]”

August 2018 nang inanunsiyo ni KC via Instagram na nagkabalikan sila ni Pierre matapos maghiwalay ng limang taon.

Sa isang interview noong September 2018, sinabi ni Sharon na ang long-distance relationship ang naging dahilan ng paghihiwalay noon ng kanyang anak at ni Pierre.

Noong September 2018, ikinuwento ni Sharon sa Magandang Buhay na nag-break sina KC at Pierre dahil sa long distance.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng direct message kay KC ngayong July 9, Martes, upang tanungin ang estado ng relasyon nila ni Pierre.

Agad naming ilalathala ang pahayag sa oras na sumagot si KC.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion's post and reference to self as a "single lady" stirs debate if she and French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart have broken up. The actress has yet to address the issue.
PHOTO/S: @itskcconcecpcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results