Ciara Sotto's boyfriend promises to love her forever

by Bernie V. Franco
Jul 4, 2019
On her 39th birthday, Ciara Sotto gets a heartwarming message from boyfriend Ian Austin.
PHOTO/S: @pinaypole on Instagram

Simple pero masaya.

Ganito inilarawan ni Ciara Sotto ang pagdiriwang ng kanyang ika-39 kaarawan.

Nitong July 3, Miyerkules, ipinost ng bunsong anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa sa social media ang ilang kuha mula sa kanyang simpleng selebrasyon.

Kasama ni Ciara na nagdiwang ang kanyang mga magulang, anak na si Crixus, mga kapatid, mga pamangkin, at ang boyfriend niyang si Ian Austin.

Ani Ciara, kuntento na siyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang mga mahal sa buhay.

Bahagi ng kanyang post: “I couldn’t think of a better way to spend my birthday than with the people I love most.

“So my day was all about time with my family, simple as that may seem – taking in every moment and feeling unbridled joy. There just isn’t a better group of people for me where I feel most secure, most special, and happiest.”

Continue reading below ↓

Samantala, punung-puno naman ng pagmamahal ang birthday greeting ng boyfriend ni Ciara.

Isa raw karangalan para sa kanyang makasama ang pamilya Sotto, at ipinangako niya kay Ciara na mamahalin ito habambuhay.

Pahayag ni Ian: “First of all, happy birthday my love.

"It’s always an honor to be around you and your parents also your whole family.

“I am grateful love. Happy birthday beautiful.. I will love your forever [heart emojis]”

Continue reading below ↓

November 2018 nang ibunyag ni Ciara sa social media ang identity ng kanyang boyfriend.

Base sa Instagram account ni Ian, isa siyang "propbuilder/sculptor."

Noong February 14, 2019, Valentine's Day, nag-post ng throwback photo si Ciara na nagbubunyag na higit 10 taon na niyang kilala si Ian.

Ipinost ni Ciara ang larawan nila ni Ian noong 2008 sa isang restaurant sa Global City, Taguig, noong hindi pa sila magkasintahan at ang larawan nila 11 taon ang nakalipas sa parehong restaurant, kung saan magkarelasyon na sila.

Read Next
Read More Stories About
Ciara Sotto, Ian Austin
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On her 39th birthday, Ciara Sotto gets a heartwarming message from boyfriend Ian Austin.
PHOTO/S: @pinaypole on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results