Sarah Geronimo on Matteo Guidicelli's Scout Ranger training: "Love, iuwi na lang kita, please." 

by Rachelle Siazon
Jul 5, 2019
Matteo Guidicelli on his Scout Ranger training: "Actually, nung sinabi ko kina Mama at Papa at kay Sarah, ayaw nila."
PHOTO/S: Jo Anne Arevalo via @isgfan / @matteog Instagram

Inamin ni Matteo Guidicelli na lubhang nag-alala ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa tindi ng pinagdaanan niyang training bilang Scout Ranger, ang elite unit ng Philippine Army na ang specialization ay jungle warfare.

Si Matteo, 29, ay may ranggong second lieutenant bilang Philippine Army reservist.

Nakakuha siya ng 95.20 percent o pinakamataas na marka sa katatapos lang na Scout Ranger training sa Camp Tecson, Bulacan, mula May 27 hanggang July 1.

"Wala, e. I asked permission naman and I said, 'I'll be responsible, I'll be safe,'" kuwento ni Matteo sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, Biyernes, July 5.

Usapan pa raw nila ni Sarah, "Minsan sinasabi ko kay Sarah, 'Love, hindi ka ba naawa sa akin?'

"Sabi niya, 'E, gusto mo na 'yan, e.'"

Pero nang personal na raw makita ni Sarah ang hirap sa loob ng kampo ay naawa talaga ito sa binata.

Kuwento ni Matteo, "She visited me one time, nakita niya yung tent namin dun.

Continue reading below ↓

"Yung tent namin kasama ko ng isang buddy ko, pangalan niya is Cañete, taga-PMA, buddy ko yun."

Sa loob ng tent, nakapagitna raw kay Matteo at sa ka-buddy niya ang kanilang mga gamit.

"Nasa sahig kami. Nakita ni Sarah yung tent ko.

"Sabi niya, 'Love, iuwi na lang kita, please. Huwag na tayo dito.'"

Noong June 6 at June 15 kumalat sa social media ang larawan nina Sarah at Matteo na kuha umano sa dalawang okasyong bumisita ang Kapamilya singer-actress sa Camp Tecson.

Continue reading below ↓

PARENTS' INITIAL HESITATION

Pati mga magulang ni Matteo ay ayaw sana siyang pasalihin bilang Philippine Army reservist, pero desidido raw talaga ang aktor na makapaglingkod sa bayan.

"Actually, nung sinabi ko kina Mama at Papa at kay Sarah, ayaw nila.

"Kahit si Boss Vic, yung manager ko, ayaw nila. Pero gustung-gusto ko talaga.

"Sabi ko, 'I think the experience that I will develop and learn from here is something that cannot be taken away from me, ba."

Ang tinutukoy niyang "Boss Vic" ay si Vic del Rosario, big boss ng Viva Entertainment, Inc.

Continue reading below ↓

Sa huli, ang pag-apruba raw ni President Rodrigo Duterte ang nagbigay-daan upang mapapayag na ang kanyang mga magulang.

"So what I did, nag-create ako ng teaser, nag-shoot ako ng teaser dun sa kampo, prinesent ko kay Boss Vic.

"'Tapos timing din na-meet ko si Presidente, prinisent ko din kay Presidente, at na-approve niya.

"So, wala na sila masabi, approve na, e."

Unang nakadaupang-palad ni Matteo si President Duterte noong Abril.

Nagkita ulit sila nitong July 3 sa Jolo, Sulu nang sumama ang aktor sa grupo ng mga sundalong bumisita sa mga kasamahan nila roon.

MATTEO SAYS HE CRIED DURING TRAINING

Kuwento pa ni Matteo, hindi talaga biro ang pagsailalim niya sa Scout Ranger training.

Tinuruan daw sila roon ng "tusok ulo" o ranger's bow—ang posisyon ng katawan ay nakatusok ang ulo sa sahig, nakalapat ang mga kamay lampas sa ulo, nakataas ang baywang, at naka-feet apart ang mga paa sa sahig.

Continue reading below ↓

Maaari raw silang atasang mag-tusok ulo—mapa sa damuhan, lupa, o kung saan man sila abutan—sa oras na iutos ito ng kanilang superior.

Alas tres ng umaga ang gising nila at kabilang sa aktibidades nila ang physical exercise at lectures.

">

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng apat ng araw, kamuntikan na raw sumuko si Matteo sa training.

"So after a while, yung ranger instructor ko, sinigawan niya ako, 'Matteo, tusok ulo!'

"Umiyak ako. Sa sobrang self-pity, ba.

"That destroyed me. It was like self-pity, parang back door 'yan sa puso mo, e.

"Tatamaan ka sa likod. Di mo ma-control.

"So yung enemy ko talaga, yung awa sa sarili, ba."

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Matteo na sadyang bahagi iyon ng kanyang training.

"Yes, because my transition was very abrupt—from my civilian lifestyle, the next day nasa military na ako...

"Physically, OK naman kasi I train for triathlon.

"But psychologically, araw-araw sinisigawan ako, araw-araw mabilis ang galaw, bawal mabagal.

"Kahit papuntang banyo, kailangan jogging."

Continue reading below ↓

GOOD WORDS FROM MATTEO'S SUPERIOR

Worth it ang paghihirap ni Matteo dahil mismong si Colonel Ramon Zagala, spokesman ng Philippine Army at superior ni Matteo sa kanyang training, ang nagsabing kahanga-hanga ang performance ng aktor.

Naalala pa raw ni Zagala na hindi siya makapaniwala noong unang nagsabi si Matteo na gusto nitong pumasok bilang Army reservist.

Pero kinalaunan ay mataas daw ang nakuhang marka ni Matteo, hindi lang sa physical training kundi pati sa kanilang mga lecture.

"Napatunayan ni Matteo na kaya niya," nakangiting sabi ni Zagala na nag-surprise guest appearance sa Magandang Buhay kanina.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on his Scout Ranger training: "Actually, nung sinabi ko kina Mama at Papa at kay Sarah, ayaw nila."
PHOTO/S: Jo Anne Arevalo via @isgfan / @matteog Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results