Rayver Cruz to celebrate birthday without late mother for the first time

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2019
Rayver Cruz on the passing of his mother, Beth Cruz: "Mas nagiging okey ka in time, pero parang hindi mawawala."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon, magdiriwang si Rayver Cruz ng kanyang kaarawan na wala ang kanyang ina na si Melody "Beth" Cruz.

Pumanaw ang ina ni Rayver noong February 2, 2019 dahil sa pancreatic cancer.

Sa July 20 naman ang ika-30 kaarawan ni Rayver.

Isa ito sa mga nakapagpapalungkot sa Kapuso actor.

Nabahiran ng lungkot ang boses ni Rayver nang magsalita ito sa unang pagkakataon sa presscon ng bagong Kapuso drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ngayong Lunes, July 8, tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina.

"Kapag may mga ganito [presscon], okey ako, kasi busy.

"Pero hanggang ngayon, kapag nasa bahay, iba kasi yung every morning, paggising mo, nandoon lang siya sa room niya.

"Malungkot pa rin kasi kapag may mga scene na mabigat, naaalaala ko si Mama or may isang glimpse lang ng pangyayari na naaalaala ko, ang sakit agad.

"First kasi lahat this year—first birthday ko na wala siya, first Mother’s Day na wala siya, first birthday ni Rodjun na wala siya, first Christmas, wala siya sa wedding ni Rodjun sa December 21…"

Continue reading below ↓

Ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz ay ikakasal kay Dianne Medina sa December ng kasalukuyang taon.

Pagpapatuloy ni Rayver, "Mas nagiging okey ka in time, pero parang hindi mawawala.

"Mas nare-realize ko na wala na pala talaga siya. Wala na yung number one fan mo, kapag kailangan mo kausapin.

"Kapag nag-uusap kami ni Rodjun, hindi mag-sink sa akin na, 'Bro, ulila na tayo.'

"Parang ang hirap din, kapag kailangan mo yung magulang mo, wala.

"Ang okey lang, happy na siya, free from pains.

"Nakabantay naman yun for sure, guardian angel."

RAYVER CRUZ ON HIS MOM'S LAST MOMENTS

Self-confessed mama’s boy si Rayver at ito ang bunso sa pamilya kaya nahirapan siya nang husto sa nangyari.

Busy siya sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko nang magkaroon ng sakit ang kanyang ina.

Ang Asawa Ko, Karibal Ko ang unang teleserye ni Rayver nang bumalik siya sa GMA-7.

Continue reading below ↓

May pagkakataong ayaw na niyang mag-taping, pero umiiral ang kanyang professionalism.

Maliban sa direktor na si Mark Sicat dela Cruz, hindi sinabi ni Rayver sa mga co-star niya ang malubhang kalagayan ng kanyang ina.

Lahad niya, "That time, ginagawa ko yung Asawa Ko, Karibal Ko. Parang ayokong bumaba sa kotse para mag-taping.

"Parang napansin ng iba na mabigat yung aura.

"Hindi ako makapagtrabaho nang maayos, ang hirap… ang hirap. Mahirap makakabisado ng lines.

"Ang una kong kinausap talaga is Direk Mark, siya yung direktor, and ayoko kasi na hindi niya alam, 'Ba’t ganito, hindi makapag-perform or hindi makapag-deliver?'

"So siya yung kong kinausap, sabi ko, 'Direk, baka puwedeng sa atin muna. Ganito kasi, si Mama, nasa ospital.'"

Kaharap si Rayver at ang kanyang dalawang kapatid nang bawian ng buhay ang kanilang ina.

Kagagaling lamang niya sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko nang makatanggap siya ng tawag sa telepono mula kay Rodjun.

Continue reading below ↓

"Hinintay niya ako, may taping ako noon. Eksakto, mag-4 A.M., tumawag si Rodjun, ‘Punta ka na rito, Bro.'

"Pagdating ko doon, hinintay niya lang kaming tatlo na makumpleto. Mabigat…" pagbabalik-tanaw ni Rodjun sa napakalungkot na bahagi ng buhay niya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ginagalaw ni Rayver at ng kanyang mga kapatid ang mga gamit na naiwan ng kanilang pumanaw na ina.

Sa kabila ng pangungulila niya sa ina, ayaw ni Rayver na magpakita sa kanya ang ina dahil matatakutin siya.

"Kinausap ko si Mama, sabi ko, ‘Mama, sobrang mahal kita pero sa panaginip na lang [magpakita]."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on the passing of his mother, Beth Cruz: "Mas nagiging okey ka in time, pero parang hindi mawawala."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results