Vice Ganda hugging photo with rumored boyfriend Ion Perez goes viral

by Arniel C. Serato
Jul 12, 2019
Vice Ganda tightly hugs umored boyfriend Ion Perez in this undated photo uploaded on Instagram by netizens.
PHOTO/S: Courtesy: @viceionation on Instagram

Kumakalat ngayon sa social media ang sweet na sweet na larawan ni Vice Ganda at ng kanyang rumored boyfriend na si Ion “Kuya Escort” Perez.

Makikita sa black-and-white photo na yakap-yakap ng It's Showtime host si Ion, na nakadampi naman ang mga labi sa pisngi ng TV host-comedian.

Continue reading below ↓

Caption sa Instagram post ng @viceionation kahapon, July 11: “'HAVING YOU NEAR ME FEELS SO RIGHT.' to: @pereziion27Love, your forever Darling, @praybeytbenjamin

Base sa larawan, tila kuha ito sa Hollywood, California, kung saan nag-perform doon si Vice noong May 2019.

Isiningit na rin ng Kapamilya star ang bakasyon kasama ang kanyang ina, ilang kaibigan, at si Ion.

Continue reading below ↓

Mapapansin na pareho ang headband ni Vice at shades na suot ni Ion sa mga lumabas na larawan nila noon.

Noong July 9, nag-post daw si Ion sa kanyang IG Stories ng isang larawan nila ni Vice.

Sabi raw ni Ion sa caption, ayon sa post ng @viceionantion: “Darling I will be loving you till we're 70'

Continue reading below ↓

“Thank you so much for being BRAVE the two of you? We love you. Till forever, ViceIon.

"#viceion #itsshowtime #kaparewho#ionperez #viceganda #teamviceph#kuyaescort

"#showtimefamily#teamorens #lovewins.”

Matagal na ang balitang may relasyon sina Vice at Ion.

Ngunit hindi pa nila ito kinukumpirma pa hanggang ngayon.

Pero kung pagbabasehan ang mga kilos nila sa It’s Showtime, masasabing mayroon nga silang mas malalim na ugnayan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda tightly hugs umored boyfriend Ion Perez in this undated photo uploaded on Instagram by netizens.
PHOTO/S: Courtesy: @viceionation on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results