Thai beauty queen who called Miss Universe 2018 Catriona Gray "fat" wins Miss Grand Thailand 2019

by Arniel C. Serato
Jul 14, 2019
Coco Arayha Suparurk wins Miss Grand Thailand International 2019 at the grand coronation held in Bangkok, Saturday night, July 13.
PHOTO/S: Miss Grand Thailand Facebook

Itinanghal na Miss Grand Thailand 2019 si Coco Arayha Suparurk sa grand coronation na ginanap sa Bangkok International Trade and Exhibition Centre, sa Bangkok, nitong Sabado ng gabi, July 13.

Tinalo ni Suparurk ang halos 70 iba pang kandidata para sa korona.

Pagkatapos nito ay sasabak siya sa Miss Grand International 2019 pageant na gaganapin sa Venezuela sa October 25.

Continue reading below ↓

Isa sa makakalaban ni Suparurk dito ay ang pambato ng Pilipinas na si Bb. Pilipinas-Grand International 2019 Samantha Ashley Lo.

Ang Miss Grand International ay isang international pageant na naka-base sa Thailand.

Si Suparurk ay naging kontrobersiyal sa Pilipinas dahil sa pagtawag nitong "fat" kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kanyang Instagram Stories noong July 4, ni-repost ng Thai beauty queen ang isang meme kung saan pinagkumpara ang mga katawan ni Catriona at ni Miss Grand International 2018 Clara Sosa mula sa Paraguay.

Continue reading below ↓

Kung si Sosa ay "FIT," si Catriona naman daw ay "FAT."

Dahil dito, inulan ng batikos na ang inabot ni Suparurk mula sa netizens.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Arayha Suparurk wins Miss Grand Thailand International 2019 at the grand coronation held in Bangkok, Saturday night, July 13.
PHOTO/S: Miss Grand Thailand Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results