Jerome Ponce laughs off live-in rumor with girlfriend Mika Reyes

by Arniel C. Serato
Jul 15, 2019
Kapamilya actor Jerome Ponce says relationship with volleyball player Mika Reyes is very stable.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @mrjeromeponce on Instagram

Masayang-masaya ang Kapamilya actor na si Jerome Ponce na smooth-sailing ang kanilang relasyon ng volleyball player na si Mika Reyes.

Tatlong taon na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Mas okay ba para kay Jerome na ang karelasyon niya ay hindi kapareho niyang nasa showbiz?

Bago naging sila ni Mika, ang huling naging girlfriend ni Jerome ay si Elisse Joson, ngunit matagal nila itong itinago sa publiko hanggang sa naghiwalay sila noong unang bahagi ng 2017.

Continue reading below ↓

Saad ng 24-year-old actor sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, pagdating sa relationship naman, wala naman 'yang ano, e, wala siyang dapat na kailangang ano.

“Minsan, kailangan niyo lang mag-jibe diyan, kailangan mo din lang mag-adjust.

"Kailangan mo lang din minsan mag-connect kahit parehas pa kayong artista, kahit hindi kayo artista, magkaibang propesyon kayo.

“Kung anuman, hindi kayo magkaedad, kung anuman, mas bata, mas matanda, wala, as long as jibe kayo, yun yun.”

Anong klaseng relationship mayroon sila ngayon ni Mika?

Tugon ni Jerome, “Kami? Very normal, sweet, loving, caring, yun.”

Pabirong tanong namin sa aktor kung nagli-live in na ba sila ng kanyang 25-year-old girlfriend.

Natatawang sagot ni Jerome, “Hindi naman!

"May sarili pa kaming… may family siya, may family din ako.

“Kailangan ko pang tapusin yung bahay na binili ko.

"At mga kapatid ko pa. Priorities and... ayun.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jerome Ponce, Mika Reyes
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Jerome Ponce says relationship with volleyball player Mika Reyes is very stable.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @mrjeromeponce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results