Vice Ganda, Ion Perez join their moms for a family photo

by Rachelle Siazon
Jul 15, 2019
Vice Ganda and Ion Perez are all smiles as bond with the latter's family and relatives in Tarlac. Seen in the right photo are Ion, his mom, Vice Ganda's mom, and the comedian-TV host.
PHOTO/S: @mikka_twinkle / @viceionxx Instagram

Tila wala nang makapipigil pa sa hinihinalang espesyal na pagtitinginan nina Vice Ganda at Ion Perez.

Si Ion ay nakilalang "Kuya Escort" ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime, kung saan main host si Vice.

Ngayong Lunes, July 15, kumalat sa social media ang litrato nina Vice at Ion na masayang nagpakuha ng litrato kasama ng kani-kanilang mga ina.

Continue reading below ↓

Halatang nagkakasiyahan ang mga ito sa isang bahay sa Tarlac.

Naroon din ang mga hinihinalang kaanak ni Ion, base sa apelyido ng netizens na nag-upload ng mga litrato nina Vice at Ion sa Facebook.

Mapa-bata o matanda na naroon ay makikitang mainit ang pagtanggap kay Vice, na tila magiliw ring nakipagkulitan doon.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso, nakasaad na Tarlac ang hometown ni Ion.

Siya ay ika-11 sa 14 na magkakapatid.

Nagtatrabahong jeepney driver ang kanyang ama, habang ang kanyang ina ay isang kakanin vendor.

VICE GANDA'S STILL-UNNAMED BOYFRIEND

Bago ito ay napadadalas na ang pagbigay ng pahiwatig ni Vice tungkol sa kanyang makulay na love life.

Sa live telecast ng It's Showtime, noong June 21, sinabi ni Vice na "seven months" na sila ng hindi pinangalanan niyang karelasyon.

Nang magbalik-trabaho si Vice matapos niyang magkasakit kamakailan, nagpahiwatig siyang kakilala at nakakalaro sa basketball ng kanyang unnamed boyfriend ang It's Showtime co-host ng comedian na si Vhong Navarro.

Continue reading below ↓

Nagulat pa si Vhong dahil panay ang pahiwatig noon ni Vice tungkol sa kanyang karelasyon.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga tagasubaybay ni Vice na madalas siyang asarin kay Ion, dahilan para maugnay ito sa kanya.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Ion Perez are all smiles as bond with the latter's family and relatives in Tarlac. Seen in the right photo are Ion, his mom, Vice Ganda's mom, and the comedian-TV host.
PHOTO/S: @mikka_twinkle / @viceionxx Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results