Ion Perez declares: "I love Vice Ganda!"

IMAGE Courtesy: Instagram

Ion Perez posts cryptic message on IG Stories amid rumored relationship with Vice Ganda: "Matang mapang husga hayaan mo sila importante puso mo'y masaya #Valakayojan.”


Hindi na talaga maikakailang may malalalim na relasyong namamagitan ngayon kina Vice Ganda at Ion “Kuya Escort” Perez.

Kasalukuyang nasa California ang dalawa, kung saan may dalawang concerts ang It’s Showtime host at isa sa mga guest si Ion.

Kasabay nito ay ang pagkalat sa social media ng sweet photos nilang dalawa.

May isa pang video kung saan matapos magpa-picture ang ilang fans ay tila kiniliti ni Vice si Ion sa batok. 

Noong Biyernes, May 3, naipakilala na rin ni Ion si Vice sa kanyang kapatid na babae na nakatira sa Amerika.  

Sa second leg ng kanyang concert na Ang Fantastic Concert ng Vaklang Twoooh sa Pechanga Resort Casino kagabi, May 5 (Philippine time), si Ion mismo ang nagsabing mahal niya si Vice.

Sa isang bahagi kasi ng concert ay may isang audience member na nagsabing mahal niya si Vice.

Sabi naman ni Ion: “Me too, me too. Yeah, I love Vice Ganda!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sigawan ang audience sa loob ng venue sa kanilang narinig.

HAPPY HEART

Sa kanya namang Instagram Stories, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Ion:

“Matang mapang husga hayaan mo sila importante puso mo'y masaya #Valakayojan.”

May mga larawan din sila ni Vice na inilagay ni Ion sa kanyang IG Stories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Ngunit tila “actions speak louder than words” ang kanilang drama na kinakikiligan naman ng Vice-Ion fans.

Masaya raw sila sa kanilang “meme,” ang bansag kay Vice ng sangkabaklaan na umiidolo sa kanya.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN