Vice Ganda happy about positive reaction of It's Showtime viewers to love team with Ion Perez

by Melba R. Llanera
Jul 16, 2019
PHOTO/S: Courtesy: @viceionation on Instagram

Natutuwa si Vice Ganda dahil tanggap ng mga tagapanood ng It’s Showtime ang on-screen tandem nila ng rumored boyfriend na si Ion “Kuya Escort” Perez.

Maraming Madlang Pipol—bansag sa It's Showtime viewers—ang kinikilig at natutuwa sa kanilang interaksiyon sa “Kaparehawho” segment, kung saan nagpapalitan ng nakakakilig na punchlines sina Vice at Ion.

Saad ni Vice tungkol sa positibong pagtanggap sa kanilang tambalan, "Masaya, nakakatuwa, kasi kahit matatanda, tuwang-tuwa kay Ion, tuwang-tuwa sa harutan namin ni Ion.

“Nilu-look forward nila yung gagawin namin nila Jackque, nila Ion every day sa Showtime."

Marami rin ang kinilig nang mag-post si Vice ng larawan nila ng rumored boyfriend sa kauna-unahang pagkakataon.

Pero paglilinaw ng comedian-TV host, "It wasn't the first time na nag-post kami ng picture together."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vice sa studio ng It's Showtime noong July 10.

Continue reading below ↓

VICE GANDA’S HEALTH

Ilang araw ring nawala si Vice sa It’s Showtime dahil nagkasakit siya at naospital.

Naging laman pa nga ng balita ang pagbabantay sa kanya ni Ion sa ospital.

Pero ayon kay Vice, maayos na maayos na ang kalusugan niya at nagpa-general checkup na rin siya para sigurado ang lahat.

"Okay naman, I'm super healthy,” paniniguro niya.

“Tsinek akong lahat, buong katawan ko, buong pagkatao ko ay walang mali sa akin. Nakakatuwa.

"Nagkaroon ako ng intestinal flu, super diarrhea ako ‘tapos sumusuka ako, as in nanghihina talaga ako more than one week.

“Imadyinin mo sa isang araw, more than 10 times kang nagdududumi, hinang-hina na ako."

Sa isang interview namin kay Vice ay nabanggit nito na ang ate niyang si Dra. Tin Viceral ang kumakausap sa ABS-CBN management kapag kinakailangan na niyang magpahinga dahil sa karamdaman.

Ayon sa Kapamilya star, sariling desisyon niya ngayon ang magpahinga at magpadoktor kapag may nararamdaman na siya sa katawan.

Continue reading below ↓

"Hindi, ako kasi ngayon, kapag may nararamdaman ako, tumatawag na ako agad sa kanya,” pagtukoy ni Vice sa kanyang kapatid.

“Hindi na ako nag-aaksaya ng panahon kasi siyempre, hindi na rin naman ako buma-bagets.

“Pag may iniinda ako, sinasabi ko agad sa kanya.

“Sinasabi ko rin na gusto ko doktor agad para alam ko na clear.

“Ayoko ng may iniisip kasi nakakadagdag pa sa mga isipin.”

Nagpasalamat din si Vice sa mga taong nagdasal para sa mabilisan niyang paggaling.

"Maraming salamat sa mga taong nagdarasal for me.

“Sabi nga ng doktor, sabi niya, ‘Parang imposible ka namang magkasakit kasi ang daming nagdarasal for you.’

“Kaya maraming salamat sa kanila."

MMFF 2019 ENTRY

Samantala, nagkaroon ng storycon ang pelikulang pagsasamahan nina Vice at Anne Curtis, ang Momalland, na kumpirmado nang isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

Excited para rito si Vice.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Excited, si Anne ninenerbiyos.

“Sa lahat daw ng pelikula na ginawa niya, ito raw ang ninenerbiyos siya kasi, siyempre, ibang genre.

“Excited, nakakatuwa, bising-busy na kami. Nung isang araw nga, alas-dos na ako nakauwi ng madaling-araw.

“Parang dun na ako nakatira sa Star Cinema kasi nagre-resequence kami, nagrerepaso kami ng script, tutok na tutok kami.”

Ayon pa kay Vice, bahagi na ng kanyang buhay ang pagsali sa MMFF.

"Parte na siya ng buhay ko taun-taon na mayroon movie pag Pasko.

“Sana ganun pa rin ngayong taon, sana hindi kumpleto ang Pasko pag di nakapanood ng movie ko."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy: @viceionation on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results