Miss Grand Thailand 2019 will apologize to Miss Universe 2018 Catriona Gray if...

by Arniel C. Serato
Jul 16, 2019
Miss Universe 2018 Catriona Gray (left) still not addressing issue with local pageant winner from Thailand, Coco Arayha Suparurk (right).
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe / Miss Grand International on Facebook

Hindi pa rin nagpapatinag ang newly-crowned Miss Grand Thailand 2019 na si Coco Arayha Suparurk kaugnay ng isyu nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang report ng Facebook page na PowerhousePH, kung saan sinabi raw ni Coco sa isang live TV interview ang kanyang kundisyon bago siya humingi ng tawad sa Pinay beauty queen sa pagtawag niya ritong “FAT.”

Sabi raw ni Coco, “If Cat will message me directly, I would apologize.”

Umingay ang pangalan ng Thai beauty queen dahil sa pagre-repost nito sa Instagram ng meme kung saan ikinumpara ang mga katawan ni Catriona at ni Miss Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay.

Sa baba ng larawan ni Clara na naka-swimsuit ay may nakalagay na salitang "FIT."

Habang sa ilalim ng larawan ni Catriona na naka-casual dress ay may nakasulat na "FAT."

Continue reading below ↓

Dahil dito, hindi tinatantanan ng Pinoy netizens si Coco dahil sa kanyang tila pagba-body shame kay Catriona.

Sa isang interview bago ang grand coronation ng Miss Grand Thailand 2019, sinabi raw ni Coco na ibinahagi lamang niya ang nasabing post dahil gustung-gusto niya ang katawan ni Clara.

Sabi pa raw ng Thai beauty queen, “I shared the truth. I know she’s Miss Universe, but the picture just says it all.”

Noong Sabado, July 13, kinoronahan si Coco bilang Miss Grand Thailand 2019 sa Bangkok.

Naging madrama ang kanyang pagkapanalo dahil sa dami ng tumuligsa, hindi lamang mula sa Pilipinas kundi maging sa kanyang sariling bansa.

Sabi raw ni Coco sa mga reporter pagkatapos makoronahan, “I just won the crown. Can’t you celebrate with me and be happy for me?

“I got the crown. Isn’t anyone happy for me at all?”

Samantala, ipinagtanggol naman ng Miss Grand International franchise owner na si Nawat Itsaragrisil si Coco.

Continue reading below ↓

Sabi pa raw nito sa fans ni Catriona sa isang interview, “To message the reigning Miss Universe to do some exercise.”

Ibinahagi naman ni Catriona sa Twitter nitong nakaraang Linggo, July 14, ang kanyang opinyon tungkol sa body shaming.

Hindi malinaw kung ito ba ay pasaring niya kay Coco.

Continue reading below ↓

COCO, CLARA, NAWAT VS CATRIONA

Kung susuriing mabuti, mukhang may pinaghuhugutan ang inis nina Clara at Nawat kay Catriona.

Bago pa man kinoronahan si Catriona bilang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, noong December 17, may nai-post sa Instagram page ng Miss Grand International (pag-aari ni Nawat) na larawan nina Clara at Nawat na kunyari ay nagluluto.

Ito yung panahon na pinag-uusapan ng pageant fanatics na magiging runaway winner ng Miss Universe si Catriona.

Ang caption ng post: “mabuhay !!! Real cooking show lol”

Continue reading below ↓

Si Nawat ay mula Thailand at si Clara ay sa Paraguay, kaya ang paggamit nila ng Filipino word na “Mabuhay” ay tila patama kay Catriona.

Dahil dun, na-bash ang dalawa.

Ngayon, si Coco naman ang tila tumitira kay Catriona.

Ayon sa ilang netizens, mukhang alam nina Clara at Nawat ang pag-atake ni Coco kay Catriona.

Duda pa ng ilan, tila nagsasabwatan ang tatlo upang ipahiya si Catriona.

May katotohanan kaya ito?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray (left) still not addressing issue with local pageant winner from Thailand, Coco Arayha Suparurk (right).
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe / Miss Grand International on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results