Bb. Pilipinas Grand International 2019 takes a swipe at Miss Grand Thailand 2019

by Bernie V. Franco
Jul 17, 2019
Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Ashley Lo (left) reacts to Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk's (right) body-shaming comment on Miss Universe 2018 Catriona Gray (not in photo).
PHOTO/S: @bbpilipinasoffical @coco.arayha on Instagram

Tila nakahanap ng katapat ang kontrobersiyal na Thai beauty queen na si Coco Arayha Suparurk sa katauhan ni Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Ashley Lo.

Naging kontrobersiyal si Coco nang mag-post siya ng meme via social media at tinawag na “FAT” si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Incidentally, magkukrus ang landas nina Samantha at Coco sa Miss Grand International 2019 na nakatakdang ganapin sa Venezuela sa October 2019.

Si Samantha ay hinirang na Bb. Pilipinas Grand International 2019 sa Binibining Pilipinas 2019 noong June 9.

Si Coco naman ay kinoronahang Miss Grand Thailand 2019 sa Bangkok nito lamang July 13.

SAMANTHA REACTS TO COCO’S BODY-SHAMING COMMENT

Via Instagram Story, may nagtanong kay Samantha kung ano ang reaksiyon niya sa body-shaming ng Thai beauty queen kay Catriona.

Witty ang sagot ng Cebuana beauty queen na may patama kay Coco.

Ayon sa nagtanong: “What is your thought about what miss grand thailand said about miss universe?

Continue reading below ↓

Sagot ni Samantha: “She’s not invited to pizza night with Cat and I.”

Kalakip ng IG Story post ay image ng bawas na pizza at dalawang bote ng softdrinks.

Si Samantha ay anak ng isang Filipino-Chinese na ama at Cuban-Nicaraguan na ina.

Pero lumaki siya sa Florida, USA.

Continue reading below ↓

Nanirahan siya sa Pilipinas mula noong 2015 at kumuha ng Nursing sa University of Cebu.

COCO VERSUS CATRIONA

July 4 nang mag-post si Coco ng magkadikit na larawan nina Catriona at Miss Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay.

Sa ilalim ng photo ni Clara ay nakalagay ang salitang “FIT,” habang sa ilalim ng larawan ni Catriona ay may nakasulat na “FAT.”

Dahil dito, umani ng pambabatikos si Coco mula sa mga tagasuporta ni Catriona.

Nito lamang July 14, nagkomento via Twitter si Catriona tungkol sa body shaming at bullying issues.

Walang direktang pagtukoy si Catriona na sagot niya ito sa pamba-bash ni Coco, pero timing ito sa kontrobersiya.

Tinanong ng netizen ang Miss Universe kung ano ang opinyon niya tungkol sa body shaming at bullying.

Tweet ni Catriona: “Obviously I stand firmly against any form of bullying and bashing - online and off.

"It is never, ever okay to put someone down for the sake of 'expressing your opinion'.

Continue reading below ↓

"With words come power and we should be using those words to build someone up and not pull them down."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Ashley Lo (left) reacts to Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk's (right) body-shaming comment on Miss Universe 2018 Catriona Gray (not in photo).
PHOTO/S: @bbpilipinasoffical @coco.arayha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results