Yeng Constantino's husband suffers temporary memory loss after lagoon accident in Siargao

by Arniel C. Serato
Jul 19, 2019
Yeng Constantino on husband Yan Asuncion's accident: "After nung impact nagka-memory loss sya. Di nya maalala kung nasan kami, paano kami nakapunta sa Siargao at saan kami nagse-stay."
PHOTO/S: Courtesy: @yeng on Instagram

Nauwi sa kahindik-hindik na karanasan ang dapat sana'y masayang bakasyon ng mag-asawang Yeng Constantino at Yan Asuncion, kasama ang ilang kaibigan, sa Siargao, Surigao del Norte, kahapon, July 18.

Ito ay dahil naaksidente si Yan matapos itong mag-cliff diving sa isang lagoon sa pamosong surfing destination ng bansa.

Sa Instagram, ibinahagi ni Yeng ang naranasan nila nang magkaroon ng temporary memory loss si Yan matapos itong tumalon sa lagoon.

Sabi ng Kapamilya singer sa kanyang post ngayong araw, July 19 [published as is]:

“PART 1: Accident in Siargao and scary na experience sa Dapa Siargao Hospital.

“Sa wakas napost ko na ito today dahil napa CT Scan na namin si Yan at walang hemmorage o namuong dugo sa brain nya. Super grateful kami.

“Pero grabe ang naexperience namin sa hospital sa Dapa Siargao.

“Naaksidente si Yan sa pag talon nya sa cliff diving spot sa Sugba Lagoon.

“After nung impact nagka-memory loss sya. Di nya maalala kung nasan kami, paano kami nakapunta sa Siargao at saan kami nagse-stay.

Continue reading below ↓

“Ang pinakanakatakot para sakin nung tinanong na nya kung anong taon ngayon.

“Di nya maalala. Pinilit kong ikalma sarili ko.

“Nakatawag naman agad ng ambulance yung bangkero namin(Salamat po mga Kuya!).

“Nadala namin si Yan sa first hospital sa Del Carmen. Chineck BP nya normal naman, tapos binigyan sya ng pain killer at neck brace dahil masakit ang leeg at ulo nya.

“Tapos sinabi samin nung medical personnel dun na kailangan daw dalhin sa Dapa Siargao Hospital dahil wala silang pang X-Ray at dun din daw mas kumpleto mga gamit.

“Nasa isip ko “bakit ganun? Sana meron din ditong equipments dahil malapit to sa tourist attractions na my cliff diving at prone to accidents.”.

“Dinrive kami ng ambulance ng mabilis to Dapa Hospital.

“Pambihira! Yung dapat 1 1/2 hours na tinagal namin dun sa Dapa Siargao Hospital ay umabot ng 3 1/2 hours dahil:

“1. Walang operator ng x ray. - yung unang nag x ray kay Yan nag error yung ginawa nya. After 2 hours dumating yung marunong mag operate nung x ray machine.

“So ang ginagawa nila dahil nag error yung x ray they called in medical people from
General Luna Siargao Hospital.

Continue reading below ↓

“At ang ginamit nalang nila para makita if may fracture at brain hemmorage si Yan eh Ultrasound ( hindi ko alam kung dapat ba yun dun pero thank you parin sa mga taga General Luna Hosp. sa pagpapakita ng malasakit at urgency para matugunan ang accident ni Yan.)

“2. Nakabox pa ang pang emergency scanner para sa brain hemmorage.

“At pagbukas nito wala pang battery charge so we had to wait para gumana!!!

“After di magwork ng X Ray, pag ultrsound kay Yan, paghihintay at maraming attitude na lumipad sa ospital eh itong Dra. Esterlina Luzares Tan biglang sinabi na may INFRASCANNER pala sila!”

Continue reading below ↓

YENGS CALLS OUT LOCAL DOCTOR

Hindi rin maiwasang magbulalas si Yeng ng hinanakit laban sa isang local doctor na parang wala raw pakialam sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pag-aruga.

Paglalahad ni Yeng sa "Part 2 Siargao Accident and scary experience sa Dapa Siargao Hospital":

“After di magwork ng X Ray, pag ultrsound kay Yan, paghihintay at maraming attitude na lumipad sa ospital eh itong Dra. Esterlina Luzares Tan biglang sinabi na may INFRASCANNER pala sila!

“All this time na buong tensyon ang room sya lamang ang kalma at tila walang pakialam ay meron palang equipment na tinatago na specifically kailangan sa accident na ito! Para po akong mababaliw!

“3. Kakulangan ng malasakit at urgency ng Doctora Esterlina Luzares Tan na umaksyon sa nangyayari.

“Hindi maarok ng utak ko ang pagkuyakoy nya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kakaunbox lamang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga di makadilat halos dahil sakit ng ulo na natamo nya sa aksidente.

“After ng mga nangyaring ito may isang medical staff (ayaw magpapangalan)na kumausap sa bestfriend ko at pinasabi sakin na marami daw talagang namamatay sa hospital sa Dapa Siargao Hospital because of negligence.

Continue reading below ↓

“Sa experience namin malamang lamang na maniwala ako. Kung totoo man po ito sana ay maaksyunan ng local government. Kawawa di lamang ang mga turista kundi ang mga lokal.

“Habang umaangat ang Siargao sa tourism sana umangat din ang kalidad ng mga Hospitals dito at ang kalidad ng serbisyo sa mga tao!

"Salamat sa pagbasa sana ay may maganda itong mabunga. God bless us all!

“Ps. Si Ms. Karen Davila at Kelsey Merritt may naexperience ding ganito sa Siargao.

“Full Experience namin link on my bio.”

Continue reading below ↓

https://www.youtube.com/watch?v=9HlFGB6dlj8&feature=youtu.be

YENG APOLOGIZES TO SIARGAO RESIDENTS

Sa kanyang in-upload na vlog ngayong Biyernes, July 19, detalyadong ikinuwento ni Yeng ang nangyari.

Ipinakita rin niya ang ilang bahagi ng video kung saan tila nawala sa tamang huwisyo ang asawa dahil hindi nito maalala kung saan sila naka-check in, nasaan silang lugar, at kung anong taon na ngayon.

Humingi rin si Yeng ng paumanhin sa mga residente ng Siargao na gustong magpakuha ng litrato sa kanya.

Pahayag ni Yeng sa kanyang vlog, “I’m sorry sa mga tao sa Siargao kung nagsungit ako kasi may aksidente kasing nangyari since hindi ko kayang magpa-picture, hindi ko kayang ngumiti sobrang naiyak na ko.

“That moment I was just keeping myself calm.

“Medyo shinoo-away ko yung mga tao sabi ko, 'Please po naaksidente po yung asawa ko huwag niyo pong picturan, huwag niyo na po kami picturan hindi ko po kaya ngayong ngumiti.

Continue reading below ↓

“'Hindi ko po kaya kayong i-entertain.'”

May mga sumunod naman daw at mayroon ding matigas ang ulo na nilitratuhan pa rin sila.

Sa kabila ng hindi magandang karanasang ito, irerekomenda pa rin naman daw ni Yeng ang Siargao sa local at foreign tourists.

Ngunit dapat daw ay mag-doble ingat sila para sa kanilang kaligtasan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino on husband Yan Asuncion's accident: "After nung impact nagka-memory loss sya. Di nya maalala kung nasan kami, paano kami nakapunta sa Siargao at saan kami nagse-stay."
PHOTO/S: Courtesy: @yeng on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results