Director Joey Reyes lambasts Miss Grand Thailand 2019

by Arniel C. Serato
Jul 19, 2019
Director Joey Reyes takes a swipe at Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk.
PHOTO/S: Courtesy: Joey Reyes on Facebook / @missgrandthailand on Instagram

Hindi napigilan ng award-winning writer-director na si Joey Reyes na pasaringan si Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk dahil sa magkasunod na banat nito laban kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ang pinakahuli ay ang pagsasabi ni Coco na hihingi lamang siya ng dispensa kay Catriona kapag nagpadala ito ng direct message sa kanya.

Sa pamamagitan ng Twitter, binanatan ni Direk Joey ang Miss Grand Thailand 2019 winner.

Sabi ng film-TV director: “This Thai woman needs her medication badly.

“Or a brain surgery... through her toes.”

Matatandaang umani ng batikos ang Instagram Stories ni Coco noong unang linggo ng Hulyo dahil sa pagpu-post niya ng meme kung saan tinawag na "FAT" si Catriona, kumpara kay Miss Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay na “FIT.”

Si Coco ay representative pa lamang noon ng Nakhon Phanom, isang probinsiya sa Northern Thailand, sa Miss Grand Thailand 2019.

Noong July 13, itinanghal siyang Miss Grand Thailand 2019 sa grand coronation na ginanap sa Bangkok International Trade and Exhibition Centre.

Continue reading below ↓

Kahit nanalo na siya sa isang national pageant doon, hindi pa rin siya tinantatan ng bashers mula sa ibang bansa maging sa kanilang lugar.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joey Reyes takes a swipe at Miss Grand Thailand 2019 Coco Arayha Suparurk.
PHOTO/S: Courtesy: Joey Reyes on Facebook / @missgrandthailand on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results