Heaven Peralejo puts an end to rumors linking her to Edward Barber

by Bernie V. Franco
Jul 20, 2019
Heaven Peralejo says she and Edward Barber are no longer in touch with each other. She says, “Girl, move on na, 2019 na!”
PHOTO/S: @heavenperalejo and @edward_barber on Instagram

Tantanan na ang pag-uugnay sa kanila ni Edward Barber.

Ito ang isa sa isyung ilang beses sinagot ni Heaven Peralejo sa kanyang YouTube video na in-upload nitong Biyernes ng gabi, July 19.

Sinagot din ni Heaven ang isyu sa kanila ni Jimuel Pacquiao sa video.

Matatandaang naugnay sina Heaven at Edward dahil pareho silang housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 Edition noong 2016.

Habang nasa loob ng bahay, inamin ni Edward na nagkagusto siya kay Heaven, na inilarawan din ng ng binata bilang isa sa mga taong nagpasaya sa kanya sa loob ng bahay.

Pero nauugnay din noon si Heaven kay Paolo Angeles na miyembro ng Hashtags.

Sa interview ni Heaven sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda noong 2016, inamin niyang nagparamdam sa kanya si Edward noon.

Pagkatapos ng PBB stint, pinasok ng dalawa ang showbiz, pero mas na-identify si Edward sa ka-love team niyang si Maymay Entrata, na fellow housemate din nila noon.

Continue reading below ↓

HEAVEN ON STILL BEING LINKED TO EDWARD

Sa YouTube video ni Heaven kasama ang ina na si Luanne Peralejo at best friend na si Jean Lacsamana, nagsalita ang aktres sa patuloy na pag-uugnay sa kanya kay Edward.

Una, isang netizen ang nagtanong kung may gusto pa ba siya kay Edward.

Sagot ni Heaven, "Alam mo, hindi ko talaga ma-gets kung bakit iniisip nila… as in nagdi-DM [direct message] pa sila sa akin sa Instagram.

Continue reading below ↓

"Parang everyday meron... na parang tigilan ko daw si Edward kasi mine-message ko daw siya, nag-uusap pa daw kami."

Singit ng ina ni Heaven: "Alam ninyo, tanungin niyo kaya si Edward. Nakakaloka kayo, di ba?

"'Tsaka masaya na sila ni Maymay, hayaan niyo sila, no."

Hirit pa ni Heaven, "Please, tigilan niyo na ako kasi hindi talaga totoo. Girl, move on na, 2019 na!"

Binasa rin ng ina ni Heaven ang isang akusasyon na si Heaven daw ay "side chick" ni Edward.

Continue reading below ↓

"Ahmm, wait. Yes? Chos! Issue?!" pagbibiro ni Heaven.

"Hindi, no. Dyuskolord!" paglilinaw niya.

"Gusto kong sabihin sa inyo na hindi nga kami nag-uusap [ni Edward], but okay kami, ha. Hindi lang kami nag-uusap. Wala kaming number ng isat-isa, hindi kami nagmi-message.

"Andami-daming guys.

"Bakit ba si Edward?

"Kung gagawa kayo ng rumor, iba na lang," sabi ng dalaga.

Read Next
Read More Stories About
heaven peralejo, Edward Barber
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo says she and Edward Barber are no longer in touch with each other. She says, “Girl, move on na, 2019 na!”
PHOTO/S: @heavenperalejo and @edward_barber on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results