Philippine Medical Association stands by member amid Yeng Constantino doctor shaming

by Arniel C. Serato
Jul 23, 2019
The Philippine Medical Association says it will not allow its members to be subjected to unnecessary shaming while doing their duties, which is to save lives.
PHOTO/S: Courtesy: The Daily Tribune on Facebook / @yeng on Instagram

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Medical Association (PMA), ang asosasyon ng mga doktor sa bansa, kaugnay ng pamamahiya ng singer na si Yeng Constantino sa kanilang miyembro na si Dr. Esterlina Luzares Tan.

Si Dr. Tan ang attending physician nang isugod sa Dapa Siargao Hospital ang mister ni Yeng na si Yan Asuncion pagkatapos ng cliff-diving accident nito sa isang lagoon sa Siargao noong nakaraang linggo.

Nagkaroon ng temporary memory loss si Yan dahil sa aksidente.

Sa kanyang magkasunod na Instagram posts at vlog noong July 19, tinuligsa ni Yeng si Dr. Tan dahil tila wala raw ito sa hulog nang asikasuhin ang naaksidenteng asawa.

Bahagi ng Instagram post ni Yeng, “Kakulangan ng malasakit at urgency ng Doctora Esterlina Luzares Tan na umaksyon sa nangyayari.

“Hindi maarok ng utak ko ang pagkuyakoy nya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kakaunbox lamang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga di makadilat halos dahil sakit ng ulo na natamo nya sa aksidente."

Dagdag pa ng Kapamilya singer, “After ng mga nangyaring ito may isang medical staff (ayaw magpapangalan) na kumausap sa bestfriend ko at pinasabi sakin na marami daw talagang namamatay sa hospital sa Dapa Siargao Hospital because of negligence.”

Continue reading below ↓

Dahil sa post ni Yeng, umani siya ng pambabatikos mula sa ilang netizens dahil sa pamamahiya nito sa doktor.

Maliban sa pinangalanan ay ipinakita rin ni Yeng sa kanyang vlog ang mukha ni Dr. Tan.

Kagabi, July 22, tila nahimasmasan na si Yeng at napagtantong mali ang kanyang ginawa.

Binura niya ang kanyang vlog at Instagram posts kasabay ang paghingi ng dispensa kay Dr. Tan at sa mga nasaktan sa kanyang mga naging pahayag.

PMA STATEMENT

Tila hindi naman natinag ang PMA kahit nag-apologize na si Yeng kay Dr. Tan.

Ayon sa kanila, kapuri-puri ang pagiging mahinahon ng doktora sa pag-asiste sa asawa ni Yeng.

Kahit hindi raw nito agad ginamit ang isang gadget na bago sa kanilang pasilidad, kahanga-hanga raw ang ginawa nitong pag-aralan muna ang nasabing aparato bago gamitin upang suriin ang mister ni Yeng.

Narito ang buong pahayag ng Philippine Medical Association na inilabas ng grupo ngayong araw ng Martes, Juy 23:

Continue reading below ↓

"The Philippine Medical Association stands in full support of Dr. Esterlina Luzares Tan, a Life Member of PMA, against the statement of Ms. Yeng Constantino in the recent incident in Dapa Siargao Hospital.

"Dr. Esterlina Luzares Tan’s calm and composed attitude during the incident is commendable.

"Her extra effort to study how to operate an Infra Scanner, a new modality in her area, to ensure that Ms. Yeng Constantino’s husband does not suffer from any intra cerebral hemorrhage which may be obtained from cliff diving, is also admirable.

"The Philippine Medical Association will not allow its members to be subjected to unnecessary shaming while doing their duties, which is to save lives."

Pirmado ang statement ni Dr. Jose Santiago, ang presidente ng PMA.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippine Medical Association says it will not allow its members to be subjected to unnecessary shaming while doing their duties, which is to save lives.
PHOTO/S: Courtesy: The Daily Tribune on Facebook / @yeng on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results