Vice Ganda's birth date tattooed on Ion Perez's leg

by Bernie V. Franco
Jul 25, 2019
Ion Perez shows another proof of deeper relationship with Vice Ganda by tattooing the TV host-comedian's birth date on his leg.
PHOTO/S: @viceionation and pereziion27 on Instagram

Walang dudang malalim na ang pagtitinginan nina Vice Ganda, 43, at Ion "Kuya Escort" Perez, 28.

Patunay nito ang pagpapa-tattoo ni Ion sa kanyang kaliwang binti ng birth date ni Vice.

Nitong Miyerkules, July 24, proud na pround na ipinost ni Ion sa Instagram Story ang series of photos na nagpapakita ng mga tattoo sa kanyang kaliwang binti.

Nahahati ang mga tattoo sa tatlong grupo ng numero, na hinihinalang mahahalagang petsa sa buhay ng Mr. Universe Tourism 2018.

Kapansin-pansin na ang isang grupo ng numero ay “03 31 1976,” na kung iko-convert sa date ay March 31, 1976—ang kapanganakan ni Vice.

Continue reading below ↓

Ang dalawa pang grupo ng numero sa kanyang binti ay “08 04 1947” o August 4, 1947 at “02 03 1952” o February 03, 1952.

Hindi naman malinaw kung ano ang sinisimbolo ng mga date na ito sa buhay ni Ion.

Matutukoy na kay Ion nga ang naturang mga tattoo dahil makikita ang parehong tattoo sa kaliwang binti sa full-body shot na kanya ring ipinost nitong Miyerkules.

Continue reading below ↓

Wala mang direktang pag-amin, hindi na kaila sa publiko na mayroong espesyal na namamagitan kina Vice at Ion.

Ito ay base na rin sa lumalabas nilang sweet photos, mga testament ng mga taong malalapit sa kanila, at ang biruan nila sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Taong 2018 nang magsimula ma-link ang dalawa.

Noong June 2019, sinabi ni Vice sa isang interview na masaya sila ni Ion sa kanilang buhay.

Nitong July 2019 ay kumalat sa social media ang pagtatagpo ng pamilya nina Vice at Ion.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez shows another proof of deeper relationship with Vice Ganda by tattooing the TV host-comedian's birth date on his leg.
PHOTO/S: @viceionation and pereziion27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results