Paulo Avelino, Angel Locsin react to Gerald Anderson "ghosting" Bea Alonzo 

by Rachelle Siazon
Jul 26, 2019
Paulo Avelino and Angel Locsin exchange tweets hours after their friend Bea Alonzo confirmed that Gerald Anderson broke up with her without a proper closure.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph (Paulo Avelino) / Instagram

Hindi napigilan ni Paulo Avelino na maghayag ng suporta kay Bea Alonzo sa gitna ng kontrobersiyal na hiwalayan ng aktres at ng boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Sa kanyang Twitter posts ngayong Biyernes, July 26, diretsahang sinabi ni Paulo na "ghosting" ang ginawa ni Gerald kay Bea.

"Na Bea Alonzo ka na ba bes? #ghosting," tweet ni Paulo kalakip ang tatlong ghost emojis.

"Ghosting" ang millennial term sa aktong bigla na lang hindi nakipag-usap o nagparamdam ang isang tao sa isang karelasyon bilang senyales na gusto na nitong makipaghiwalay.

Halatang naloka si Angel Locsin sa pasimpleng patutsada ni Paulo sa ginawang pakikipaghiwalay ni Gerald kay Bea nang walang maayos na usapan.

Comment ni Angel, "Heneraaaaaal!!!!!"

Continue reading below ↓

Si Paulo ay gumanap bilang Heneral Gregorio "Goyo" del Pilar sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral noong 2018.

Maang-maangan naman ang sagot ni Paulo kay Angel: "Hoy Darna! Literal ghost na ako dedz na si Heneral."

Nag-reply rin si Paulo sa isang netizen na nagbirong kahit siya ay isang maligno ay hindi niya iiwan si Bea.

Continue reading below ↓

Hirit ni Paulo, "SO ANO ITO?! AYOS LANG MA-MALIGNO WAG LANG MA-GHOST?"

PRETTY BEA

Sa kanyang hiwalay na Instagram post, nagbahagi rin si Paulo ng kinunan niyang video kunsaan ang muse niya ay si Bea.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga nag-react dahil sa ganda ni Bea sa video ay sina Loisa Andalio, Julia Montes, at Angel Locsin.

WHAT PROMPTED PAULO'S TWEET ABOUT GERALD GHOSTING BEA

Sina Paulo Avelino at Bea Alonzo ay naging malapit na magkatrabaho sa ABS-CBN prime-time series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong 2014 at sa pelikulang Kasal noong 2018.

Continue reading below ↓

Magkatrabaho naman sina Paulo at Angel sa ongoing Kapamilya prime-time series na The General's Daughter.

Nito lang ding Biyernes, July 26, kinumpirma ni Bea na bigla na lang siyang iniwan sa ere at wala silang pormal na hiwalayan ni Gerald.

Kaugnay ito ng malalamang Instagram posts na ibinahagi ni Bea tungkol sa hinihinalang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Gerald.

Ang Between Maybes leading lady ni Gerald na si Julia Barretto ang itinuturong bagong babaeng "nililigawan" diumano ng aktor.

Si Julia ay kahihiwalay lang sa kanyang two-year boyfriend na si Joshua Garcia noong nakaraang buwan.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino and Angel Locsin exchange tweets hours after their friend Bea Alonzo confirmed that Gerald Anderson broke up with her without a proper closure.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph (Paulo Avelino) / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results