Dennis Trillo hopes for a future with Jennylyn Mercado

by Arniel C. Serato
Jul 30, 2019
Dennis Trillo on keeping a low-profile relationship with Jennylyn Mercado: "Well, ganun lang talaga kami. Ayaw lang namin na... mas masaya, mas tahimik, yun yung nagwu-work sa amin."
PHOTO/S: Arniel Serato / Noel Orsal

Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Dennis Trillo, 38, at Jennylyn Mercado, 32.

Una silang nagkarelasyon noong 2009, ngunit nagkahiwalay sila noong 2011.

Taong 2015, nagkabalikan ang dalawa.

Kumusta ang relasyon nila ngayon?

“Okay naman, namamayagpag pa rin naman, okay pa rin kami.

“Masaya kami pareho,” sabi ni Dennis sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bakit tila tahimik ang kanilang relasyon ngayon?

Paliwanag ni Dennis, “Well, ganun lang talaga kami.

“Ayaw lang namin na... mas masaya, mas tahimik, yun yung nagwu-work sa amin.

“Mas tahimik, hindi magulo kaya [ganun].”

Wala pa bang marriage proposal na naganap sa kanila?

Nakangiting sabi ng aktor, “A, wala pa naman. Wala pa naman.”

Pero dagdag niya, “Napag-usapan namin yung future, of course.”

Pareho nang may anak sina Dennis at Jennylyn mula sa dating karelasyon; si Dennis sa dating beauty queen na si Carlene Aquilar at si Jennylyn sa aktor na si Patrick Garcia.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaroon ba nila ng kanya-kanyang anak ang dahilan kaya parang hindi sila nagmamadaling lumagay sa tahimik?

Ayon kay Dennis, “Bukod dun, hindi rin kami makapagmadali dahil marami rin kami trabaho.

“Siya, alam ko magri-renew siya ng contract today.”

Ang tinutukoy ni Dennis ay ang pagpirma muli ng exclusive contract ni Jennylyn sa GMA Network noong Biyernes, July 26.

Halos kasabay naman ng contract signing at solo presscon ni Jennylyn ang pictorial ni Dennis para sa pelikulang Mina-Anud ng Regal Entertainment noong araw ring iyon.

Pero umaasa raw si Dennis na sa huli ay sila na ni Jennylyn ang magkatuluyan.

“Sana, di ba, para naman hindi sayang yung mga ginagawa namin.”

MINA-ANUD

Ang Mina-Anud ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay may napadpad.

Kuwento ito ng ilang lokal na mamamayan sa isang bayan sa Visayas kung saan nagbago ang kanilang buhay nang makapulot sila ng ilang toneladang cocaine na naanod sa kanilang dalampasigan.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Dennis, “Ayun, na-discover nila, e.

"Mga simpleng tao lang naman sila, nagulat sila sa maaaring puwede nilang kitain kapagka ibinenta nila.

“Kaya ayun, siyempre mabilis yung karma sa kanila.

“Bumalik sa kanila yung karma kaagad, siyempre nahuli sila.

“Pero bago nangyari yun, marami pang nangyari [sa istorya].”

Naniwala ba siyang talamak na ang droga noon pa man?

Sagot ni Dennis, “Noon pa lang, noon pa 'yan.

"Sa tingin ko, noon pang unang panahon, meron na 'yan.

“Ngayon lang naging aware ang mga tao, kaya ngayon kapag may naliligaw na ganun [droga], alam na nila."

Bukod kay Dennis, bida rin sa Mina-Anud sina Jerald Napoles at Matteo Guidicelli.

Ipalalabas na ito sa mga sinehan simula sa August 21.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on keeping a low-profile relationship with Jennylyn Mercado: "Well, ganun lang talaga kami. Ayaw lang namin na... mas masaya, mas tahimik, yun yung nagwu-work sa amin."
PHOTO/S: Arniel Serato / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results