Ellen Adarna allegedly filed TPO against John Lloyd Cruz

by Arniel C. Serato
Aug 7, 2019
Sources claim that Ellen Adarna has filed a temporary protection order against partner John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: @vitoselma / @johnlloydcruz on Instagram

Tahimik pa rin pareho ang kampo nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna tungkol sa balitang hiwalayan nila matapos ang halos dalawang taong pagsasama at paninirahan sa Cebu.

Pumutok nitong nakaraang weekend ang balitang hiwalay na diumano sila.

Naibalita rin dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “co-parenting” na umano ang status nila alang-alang sa kapakanan ng kanilang anak.

Hunyo pa raw ay nagkaproblema na ang relasyon nina Ellen at John Lloyd dahil hindi na raw masakyan ng aktres ang "kaweirduhan" ng aktor.

Kahapon, August 6, iniulat ng entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon na si Salve Asis na bawal na raw lumapit si John Lloyd sa kanyang mag-ina.

Kasalukuyang nasa poder ni Ellen ang anak nila.

ELLEN SPOTTED AT CEBU RTC?

Kahapon din, naiulat sa Super Balita Cebu na namataan diumano si Ellen sa Regional Trial Court noong Hulyo.

Ayon pa sa ulat, na nakasulat sa wikang Bisaya, pinaniniwalaang naghain ang aktres ng "Temporary Restraining Order (TRO)" laban sa aktor.

Continue reading below ↓

Ngayong araw, August 7, ibinahagi naman ng batikang manunulat na si Ricky Lo sa kanyang "Funfare" column sa The Philippine Star ang kaparehong impormasyon.

Aniya, “There’s another rumor that Ellen was spotted at a Regional Trial Court (RTC) suspected to have filed a TRO (Temporary Restraining Order) against JLC to prevent him from seeing their year-old son Elias Modesto.”

Continue reading below ↓

Ngunit sa pagsasaliksik ng PEP.ph, napag-alamang Temporary Protection Order (TPO) ang akmang legal term sa kaso kunsaan ang isang complainant ng isang domestic squabble ay nagnanais mabigyang proteksiyon ng batas.

Temporary Restraining Order (TRO) ang legal term na ginagamit kung ang alleged offender ay stranger o hindi maituturing na kadugo o karelasyon.

Karaniwan ding ginagamit ang TRO upang pigilan ng higher court ang desisyon ng lower court o opposing party sa isang dispute na maaaring magresulta sa injury, loss, o damage.

SOURCE: “PARANG WALANG GANUN.”

Kinuhan ng pahayag ng PEP.ph ang aming reliable source tungkol sa balitang ito.

Ang source na ito ang nagbigay ng impormasyong “co-parenting” na ang status nina Ellen at John Lloyd matapos maghiwalay.

Sabi ng aming source tungkol sa balitang nag-file ng TPO si Ellen laban kay John Lloyd, “Parang walang ganun.

“Kasi before mag-Bangkok, si John Lloyd ay nasa Cebu naman.

“Kailan lang yun. Ewan ko lang if mas bago 'yan.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ng source ay ang pagbabakasyon ni Ellen at ng matalik na kaibigang si Beauty Gonzalez, kasama ang kani-kanilang mga anak, sa Thailand.

Ayon pa sa source, nasa Vietnam daw ngayon si John Lloyd.

Bukas ang PEP.ph sa pahayag at paglilinaw ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sources claim that Ellen Adarna has filed a temporary protection order against partner John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: @vitoselma / @johnlloydcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results