Diether Ocampo opens up about maritime advocacy

by Arniel C. Serato
Aug 16, 2019
Lieutenant Commander Diether Ocampo: "More than anything, I think more than interested kasi ako dun kung papano pa natin matutulungan ang ating mga kababayan in making sure the safety ng ating maritime environment and resources, you know."
PHOTO/S: Courtesy: Philippine Coast Guard Auxiliary / Diether Ocampo on Facebook

Ayaw raw sanang ipaalam ng dating matinee idol na si Diether Ocampo, 46, ang kanyang mga ginagawang proyekto na walang kaugnayan sa showbiz.

Ngunit nag-viral ang mga post tungkol sa kanyang pagiging Lieutenant Commander (LCDR) ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).

“I’ll be very honest with you, I don’t wanna even talk about this because it is something that I want to do on the side," pahayag ni Diether sa kanyang live interview sa CNN Philippines Sports Desk hosted by Andrei Felix ngayong umaga ng Biyernes, August 16.

"Because, I believe na we have a huge responsibility, you know, as a citizen of the Republic of the Philippines.

“Though, nandiyan na, nagpapasalamat ako dun sa mga taong tumulong sa akin dahil, you know, everything was also falling into place."

Kuwento pa niya, “My father was a marine engineer, working in the maritime industry.

"And my curiosity led me to training and, you know, I actually acquired my seaman’s book and this helped me equipped myself to, you know, in furthering my responsibilities sa Philippine Coast Guard Auxiliary Unit.”

Continue reading below ↓

Bakit nais niyang magsilbi sa maritime industry?

Paliwanag ni Diether, “More than anything, I think more than interested kasi ako dun kung papa'no pa natin matutulungan ang ating mga kababayan in making sure the safety ng ating maritime environment and resources, you know.

“And, [I'm] very glad that there are a lot of people who are also volunterring to make sure na yung seguridad ng ating coastal areas, you know...

"Because it’s high time, e, na minsan hindi na natin napag-usapan, yun yung dapat na madalas natin mabigyan ng pansin.

“You know, we give highlights to those people, especially yung mga volunteers natin, lalung-lalo na yung mga sundalo."

Samantala, masaya si Diether na matagumpay ang kanyang charity event kung saan ang naipong pondo ay maitutulong sa mga batang naulila ng mga sundalong magulang na sumabak sa mga giyera.

Ang huling proyekto ni Diether sa telebsiyon ay ang Bagani noong 2018.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lieutenant Commander Diether Ocampo: "More than anything, I think more than interested kasi ako dun kung papano pa natin matutulungan ang ating mga kababayan in making sure the safety ng ating maritime environment and resources, you know."
PHOTO/S: Courtesy: Philippine Coast Guard Auxiliary / Diether Ocampo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results