Jackie Forster calls Arwind Santos "shit head of the year" over racial slur

by Bernie V. Franco
Aug 16, 2019
Jackie Forster (left) takes to Instagram and calls San Miguel Beermen player Arwind Santos (right) "shit head" for his discrimination against TNT KaTropa import Terrence Jones.
PHOTO/S: @jackie_forster on Instagram / Spin.ph

“Please stop defending indecent behavior.”

Bahagi ito ng sagot ng dating aktres na si Jackie Forster sa isang netizen na ipinagtanggol ang San Miguel Beermen player na si Arwind Santos.

Nasa hot seat ngayon si Arwind dahil sa monkey gesture nito laban sa TNT KaTropa import na si Terrence Jones sa Game 5 ng PBA Commissioner's Cup Finals noong August 14, Miyerkules.

Isa si Jackie sa mga nag-post ng mensahe sa Instagram at binatikos si Arwind dahil sa naging aksiyon nito.

Sa caption, mababasa ang pinanggagalingan ng dating aktres.

Saad niya, “If you also knew how much racism Filipinos face in all corners of the world you would have more empathy and understanding...

“WE TOO ARE BROWN!”

Nagkomento rin ang anak ni Jackie na si Kobe Paras, na naglalaro para UP Fighting Maroons, laban kay Santos.

JACKIE CALLS SANTOS “SHIT HEAD OF THE YEAR”

Sa kanyang Instagram Story kahapon, nag-post si Jackie ng screen shot ng quote card ni Arwind.

Continue reading below ↓

Bukod sa larawan ng PBA player, mababasa rin ang naunang statement ni Arwind tungkol sa pagtangging humingi ng sorry sa ginawa niya kay Jones.

Tinakpan ni Jackie ang mukha ni Arwind ng poop emoji.

Caption ni Jackie sa kanyang post: “SHIT HEAD OF THE YEAR IKAW NA ANG WINNER”

Sa comments section ng post ni Jackie ay may netizen na nagtanggol kay Arwind.

Continue reading below ↓

Ayon sa netizen, marahil ay gumanti lamang si Arwind kay Jones pagdating ng Game 5, dahil noong Game 4 ay sinigawan daw ng American import ang San Miguel player.

Pagdepensa pa ng netizen kay Santos, “So, I think may pinaghugutan ang ginawa ni Arwind.”

Pero para kay Jackie, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Arwind.

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Jackie na hindi niya kaibigan si Jones.

Pahayag niya, “wrong is wrong. There is no justification for racial slurs.

“And This boy seems to have pattern history.

“So please stop defending indecent behavior.

“I’m not friends with this Jones man, but I have many friends from around the world in ‘all colors’ and racism will not be tolerated in my house.

“He should take this opportunity to grow himself and educate himself to be better for his own children and those watching him – in the sincerest way.”

Continue reading below ↓

ARWIND SANTOS AND HIS RACIAL SLUR

Sa kasagsagan ng Game 5 ng PBA Commisioner's Cup Finals sa pagitan ng San Miguel Beermen at TNT KaTropa, habang nasa sideline ay sinayawan ng parang unggoy ni Arwind si Jones.

Ikinagalit ito ng American player at nag-status sa Twitter na “unacceptable” ang ginawa ni Arwind.

Continue reading below ↓

Noong una ay ayaw pang mag-sorry ni Arwind, pero dahil sa paglaki ng isyu ay gumawa siya ng video kung saan nag-sorry siya kay Jones.

Pinatawan din ng PBA ng sanction si Arwind kagaya ng P200,000 fine, community service, at pagsasailalim sa counseling.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Forster (left) takes to Instagram and calls San Miguel Beermen player Arwind Santos (right) "shit head" for his discrimination against TNT KaTropa import Terrence Jones.
PHOTO/S: @jackie_forster on Instagram / Spin.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results