Maja Salvador, Kim Chiu snub doubters of their restored friendship

by Bernie V. Franco
Aug 16, 2019
Kim Chiu and Maja Salvador thankful that they were able to restore their friendship after a falling out six years ago when Maja dated Gerald Anderson, who was Kim's ex-boyfriend.
PHOTO/S: @iammajasalvador on Instagram

Maaaring manumbalik ang nasirang friendship.

Ito ang pinatunayan nina Kim Chiu at Maja Salvador, kahit may mga nagdududa kung totoo ang kanilang pagbabati.

Pero sabi nga ni Maja, wala silang pakialam ni Kim sa mga duda sa kanilang restored friendship.

Nagkasira ang dalawa noong 2013 nang aminin ni Maja na nagdi-date sila ni Gerald Anderson, ex-boyfriend ni Kim.

Mas naging kumplikado ang sitwasyon noon nina Maja at Kim dahil magkasama sila sa Kapamilya teleseryeng Ina, Kapatid, Anak, na tumagal ng walong buwan sa ere.

Pero dalawang buwan bago magtapos ang teleserye ay napaulat ang kanilang pagbabati.

KIM AND MAJA RENEWED FRIENDSHIP

Malaki ang pasasalamat nina Kim at Maja na nagkabati sila.

“Sa amin kasing dalawa ni Maja, nagpapasalamat ako kasi kung ano yung klaseng pagkakaibigan yung gusto ko, yun din yung gusto niya,” sabi ni Kim sa taped message niya para kay Maja sa episode ng daytime program na Magandang Buhay nitong August 16, Biyernes.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Kim, “Parehas kami ng paningin sa buhay.”

Binanggit din ng aktres na kinalimutan na nila ni Maja kung anuman ang naging away nila noon.

Saad niya, “Kung ano yung tapos na, tapos na.

“And buti na lang nagkasundo kami doon, nagkaintindihan kami.

"And it just shows na no matter what happened, or kung ano man yung bagay na nakasira sa amin, e, puwedeng kalimutan and puwedeng ibalik yung dati...”

Thankful din si Maja na nagkabati sila ni Kim, kahit daw may mga taong duda pa rin sa restored friendship nila.

“Alam mo naman simula, dati pa lang na mahal kita,” mensahe ni Maja kay Kim.

“Alam kong iba yung klase yung friendship na meron tayo, and alam mong gusto kong ibalik at i-maintain kung ano yung friendship na meron tayo.

“And masaya ako na naibalik iyon at masaya tayo na wala tayong pakialam kung may mga hindi pa rin naniniwala sa kung anong friendship na meron tayo.

Continue reading below ↓

“Basta masaya tayong dalawa. Masaya tayo sa friendship natin.”

KIM AND MAJA TOGETHER IN TIMES SQUARE

Noong weekend, ikinatuwa ng netizens nang mag-post sina Maja at Kim ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang Instagram account.

Kuha ang mga larawan nila habang namamasyal sa Times Square, sa New York City.

Nagkasama ang dalawa sa Kapamilya World Fiesta sa New Jersey noong August 11, Linggo.

Ikinatuwa naman ng netizens na makita silang magkasama.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu and Maja Salvador thankful that they were able to restore their friendship after a falling out six years ago when Maja dated Gerald Anderson, who was Kim's ex-boyfriend.
PHOTO/S: @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results