Kim Chiu on Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto issue: “Masakit iyon.”

by Bernie V. Franco
Aug 17, 2019
Kim Chiu (leftmost) reacts to the controversy involving (second from left going right) Bea Alonzo, Julia Barretto, and Gerald Anderson.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram / Mark Atienza (Bea) / Noel Orsal (Julia and Gerald)

“Huwag na tayong sumali doon kasi lahat naman sila may pinagdadaanan sila ngayon.”

Ayaw nang makisali ni Kim Chiu sa isyung pinagdadaanan ng kanyang kapwa Star Magic talents na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Sabi pa ni Kim, ang pinakamagandang magagawa na lamang ay respetuhin ang desisyon nina Bea, Gerald, at Julia.

Na-interview ng entertainment reporters si Kim sa press conference ng bago niyang ineendorsong shampoo brand nitong Biyernes, August 16.

Ang interview ni Kim ay naka-upload sa YouTube.

KIM REACTS TO BEA-GERALD-JULIA CONTROVERSY

Tinanong si Kim kung ano ang reaksyon niya sa Bea-Gerald-Julia issue na naging malaking balita sa showbiz.

Coincidentally, si Kim ay dating girlfriend ni Gerald, bago ma-link ang aktor kay Bea.

“Wala. Hindi na. Huwag na tayong sumali doon kasi lahat naman sila may pinagdadaanan sila ngayon,” tugon ni Kim.

“Siyempre, hindi biro iyon.

“Masakit iyon, so lahat sila may pinadadaanang pain.

“So respetuhin na lang natin ang mga desisyon nila.”

Continue reading below ↓

KIM CHIU-GERALD ANDERSON HISTORY

Nag-break sina Gerald at Kim noong 2010 pagkatapos ng apat na taong relasyon.

Sina Kim at Gerald ay magka-batch sa Pinoy Big Brother Teen Edition (2006).

Paglabas ng PBB house, naging love team ang dalawa at nakilala bilang Kimerald na lubos na nagpasikat sa kanila.

Sa kasagsagan ng breakup nina Kim at Gerald noong 2010, nali-link na ang aktor kay Bea.

Hindi nagtagal ay nagkaroon ng relasyon sina Bea at Gerald, subalit sa loob lamang ng maiksing panahon dahil hindi raw pabor ang ina ni Gerald kay Bea.

Muling nag-krus ang landas nina Gerald at Bea nang gawin nila ang pelikulang How To Be Yours noong 2016.

Dapat sana ay ipagdiriwang ng dalawa ang kanilang ikatlong anibersaryo ngayong 2019, subalit naghiwalay sila nang maugnay naman ang pangalan ni Gerald kay Julia.

Pumutok ang balitang may namamagitan kina Gerald at Julia nang i-upload sa social media ang paparazzi shots nila na magkasama noong July 2019.

Continue reading below ↓

Ayon sa nag-upload ng mga larawan, nakunan ang dalawa pagkatapos dumalo sa birthday celebration ng kaibigang si Rayver Cruz.

Inakusahan din ng netizen si Gerald na pinagtataksilan si Bea.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (leftmost) reacts to the controversy involving (second from left going right) Bea Alonzo, Julia Barretto, and Gerald Anderson.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram / Mark Atienza (Bea) / Noel Orsal (Julia and Gerald)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results