Is Claudine Barretto’s “GHOST WRITER” comment alluding to sister Marjorie?

by Bernie V. Franco
Aug 17, 2019
Was Claudine Barretto (left) implying that the basher was no other than her sister Marjorie (right)?
PHOTO/S: @claubarretto and @marjbarretto on Instagram

Sino kaya ang pinatatamaan ni Claudine Barretto sa kanyang malamang sagot laban sa isang basher?

Sa Instagram account ni Claudine, nag-post ang aktres ng pasasalamat sa nakatatandang kapatid na si JJ Barretto dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.

Inilabas ni Claudine ang post ngayong Sabado, August 17.

Kuwento ng aktres, kinailangan daw niyang magpunta sa ospital at dito'y sinamahan siya ng kanyang kuya.

Madamdamin pang post ni Claudine: “Though people don’t understand how & why were ok after the most painful trial we all faced,here u are.”

CLAUDINE LAMBASTS THE “GHOST WRITER”

Sa comments section, nakaagaw-pansin ang isang netizen (@orangegirl93) na nagpakawala ng masakit na bintang laban kay Claudine.

Ayon sa basher, si Claudine ang dahilan kung bakit nag-aaway-away silang magkakapatid.

Pinagbintangan rin ng basher si Claudine na mina-manipulate nito ang kanilang magulang.

Binuweltahan siya ng aktres.

Tinawag niyang “GHOST WRITER” ang basher, at inakusahang pumapatol sa may asawa.

Halatang may pinatatamaang tao ang aktres.

Continue reading below ↓

Banat ni Claudine, “@orangegirl93 talaga? Ako? Galing mo naman pwede kang script writer.ay GHOST WRITER PALA! Get a life at wag yung may asawa ok?”

IS CLAUDINE ALLUDING TO SISTER MARJORIE?

Sa isyung paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, inakusahang ang diumano’y third party ay si Julia Barretto, na mariing itinanggi ng huli.

Continue reading below ↓

Si Julia ay anak ni Marjorie Barretto, na kapatid ni Claudine.

Noong August 6, sa mahabang Instagram post ay nagpakawala ng maanghang na salita si Julia laban kay Bea, na inakusahan niya ng bullying.

Pinaratangan ni Julia si Bea na gumagawa ng mga hakbang upang maglagay ng malisya sa isip ng publiko para sa ikasisira ni Julia.

Nag-react naman dito si Gretchen Barretto, tita ni Julia at nakatatandang kapatid nina Marjorie at Claudine.

May hidwaan ang pamosong magkakapatid: magkakampi sina Gretchen at Claudine, at sa isyung ito ay kinampihan nila si Bea laban kay Julia.

Sa comment ni Gretchen, inakusahan niya ang kampo ni Julia na nag-hire pa umano ng “ghost writer” para sa ginawang statement dahil daw desperado si Julia na isalba ang kanyang career.

Tila gumanti naman si Marjorie sa paratang ni Gretchen.

Pinalitan ni Marjorie ang kanyang Instagam bio ng “GHOST WRITER.”

Sa balik naman ni Gretchen, pinalitan nito ang kanyang Instagram bio ng “GHOST BUSTER.”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Was Claudine Barretto (left) implying that the basher was no other than her sister Marjorie (right)?
PHOTO/S: @claubarretto and @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results