Derek Ramsay's mom approves of Andrea Torres as would-be girlfriend of actor

by Rachelle Siazon
Aug 20, 2019
Derek Ramsay speaks about his mom's first impression of Andrea Torres: "At first, I was worried introducing her. And my mom goes, 'Wow, I like this girl. She has breeding.'"
PHOTO/S: Nikko Tuazon / @andreaetorres Instagram

Inamin ni Derek Ramsay na boto ang kanyang ina na maging girlfriend niya si Andrea Torres.

Magkatambal sina Derek at Andrea sa GMA-7 prime-time series na The Better Woman.

"Approve ni Mommy," nakangiting sabi ni Derek tungkol kay Andrea.

"Mommy likes her. It's the first time na nagpakilala ako ng girl sa mom ko na my mom felt positive."

Hindi naman daw ibig sabihin nito na hindi gusto ng kanyang ina ang ex-girlfriends niya.

Paglilinaw ni Derek tungkol sa kanyang mga ex: "My mom had to size them up. Yung iba kasi minsan nahihiya.

"Because my mom has a really strong personality.

"You've met my mom. Her appearance can scare you, e.

"Hindi plastic yung tao na yun, e. Kung ayaw niya sa iyo, mararamdaman mo talagang ayaw niya.

"Kung gusto ka niya, mararamdaman mong gusto ka niya."

Sa kaso ni Andrea, mabilis daw nitong nakagaanan ng loob ang ina ng aktor.

Continue reading below ↓

"Siya yung nag-effort, e," ani Derek sa pagiging likas na pagiging magiliw raw ni Andrea.

"And first time na... At first, I was worried introducing her.

"And my mom goes, 'Wow, I like this girl. She has breeding.' Gumanun pa siya."

Sa isip-isip daw ni Derek, "Whoa! I didn't expect that."

Komento pa ng aktor, "But natuwa ako na she likes her."

Inamin din ni Derek na nagkakilala na ang mga magulang nila ni Andrea.

"Yes, my parents have met her parents," masayang kuwento niya.

Sa tono ni Derek, tila positibo rin ang impression ng mga magulang niya sa mga magulang ni Andrea.

"My parents invited her parents to my dad's birthday, my dad's 76th birthday."

Kailan ginanap ang birthday ng kanyang ama?

"That was July 31. Recent lang."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek nang bumisita siya sa PEP HQ para personal na magdala ng iniendorso niyang Dunkin' Donuts donuts at iced coffee, ngayong Martes, August 20.

Continue reading below ↓

INVITING ANDREA TO SHANGHAI

Bukod sa naisama na ni Derek si Andrea sa kanilang family gathering, tila nagpakitang-gilas din siya sa dalaga nang imbitahan niya itong manood ng kanyang paboritong sport—ang Frisbee.

Bahagi si Derek ng Philippine team na lumaban sa World Flying Disk Federation 2019 Asia Oceanic Ultimate & Guts Championships sa Shanghai, China.

Ginanap iyon mula July 23 to 27, o isang linggo bago ang birthday ng ama ni Derek.

"We're super close. She came with me to Shanghai. She supported me in Shangai," ani Derek sa first out-of-the-country trip nila ni Andrea.

"Pinag-uusapan namin sa set na she's never seen Frisbee.

"Then I asked her, 'Gusto mo sumama? Shanghai? You'll see Frisbee at the highest level 'cause that's the Asian championships.'

"So she came, she's never been to Shanghai."

Dire-diretsong lahad pa ni Derek sa first out-of-the-country trip na kasama niya si Andrea:

"Di ko siya naikot. Sabi ko, 'Sorry.'

"Because talagang we play three games a day. It's a hundred-minute long, so we're there the entire day.

Continue reading below ↓

"If we're going to survive to do it again the next day, talagang pahinga.

"So, we were there five days. Five days ang competition. We finished fourth in Asia."

Hindi man nakapamasyal si Andrea, bilib daw si Derek sa tiyaga ng dalaga na suportahan siya sa kanyang sport.

"And ang galing niya! Wala siyang kaeme-eme.

Continue reading below ↓

"Kasi bipolar yung weather there, e. It was hot, it was raining...

"Walang payong... nakatutok lang talaga siya."

Bago ang pagpunta nila sa Shanghai, naisama na raw ni Derek si Andrea sa isang training session ng aktor para sa Frisbee.

"Hindi pa niya masyado naintindihan yung sport."

Pero pagkatapos mapanood ni Andrea ang Asian Championships na sinalihan ng aktor ay na-enjoy na raw ng dalaga ang panonood ng Frisbee.

Continue reading below ↓

IN A RELATIONSHIP WITH ANDREA?

Kung ganito na sila ka-close ni Andrea, masasabi bang sila na?

"Hahaha! Ayoko i-jinx. Let's take it slow," suwabeng iwas ni Derek.

Pero aminado ang Kapuso actor na malaki ang paghanga niya kay Andrea.

"She's a great woman. She's a very talented actress and an even better human being."

Malaking bagay raw kay Derek na "she gives so much value to her family."

Saksi raw ang aktor sa ugaling ito ni Andrea.

"Her mom is always on the set. Natutuwa ako dun because you know how important family is to me.

"So, it's nice to see that she really values family."

Sa huli, nakangiting dagdag ni Derek, "At the same time, bonus, she's beautiful."

Continue reading below ↓

MEETING ANDREA, DEREK'S LAST RELATIONSHIP

Unang nakilala ni Derek si Andrea nang magkasama sila sa shoot ng GMA-7 station ID noong April 2019.

Noong panahong iyon, karelasyon pa ni Derek ang longtime girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Ngunit makalipas ang halos dalawang buwan, noong June 6, inanunsiyo nina Derek at Joanne na tinuldukan na nila ang kanilang anim na taong relasyon.

June 9 nang maiulat ang matalinhagang Facebook posts ni Joanne na tila nagpapahiwatig ng hiwalayan nila ni Derek nang dahil diumano sa third party.

Sa kabilang banda, nang makapanayam ng PEP.ph si Derek noong June 27, idiniin ng Kapuso actor na wala umano siyang dapat ihingi ng tawad o maging si Joanne sa kanilang paghihiwalay ng landas.

Sadyang hindi lang daw talaga nag-work out ang kanilang relasyon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay speaks about his mom's first impression of Andrea Torres: "At first, I was worried introducing her. And my mom goes, 'Wow, I like this girl. She has breeding.'"
PHOTO/S: Nikko Tuazon / @andreaetorres Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results