Did Joanne Villablanca just hint at third party in breakup with Derek Ramsay?

Derek Ramsay's ex-girlfriend Joanne Villablanca has cryptic posts about cheating, blind item about a couple breaking up due to third party.


Third party nga ba ang dahilan sa hiwalayan ng longtime couple na sina Derek Ramsay at Joanne Villablanca? 

Dalawang araw matapos nilang kumpirmahin na wala na sila, naging kapansin-pansin ang ilang matalinhagang hugot lines ni Joanne sa social media. 

Isa na rito ang pag-repost ni Joanne sa Facebook ng isang news item tungkol sa "cheating." 

Base iyon sa blog post ng aktres na si Maricar Reyes na ang "cheating" sa isang relasyon ay maaaring magsimula sa "harmless" texting.

Narito ang screenshot ng post ni Joanne, na ipinadala sa PEP.ph kahapon, June 8:   

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONFIRMING A BLIND ITEM? 

Tila nag-react din si Joanne sa isang blind item ng isang gossip site tungkol sa isang couple na naghiwalay dahil sa isyung third party. 

Sabi pa rito, ang hindi magandang pakikipaglapit ng boyfriend sa isang seksing babae ay isa lamang sa iba pang insidenteng diumano'y pakikipaglandian nito sa ibang babae. 

Pero ang huling insidenteng iyon ang naging mitsa umano upang umalis ang longtime partner sa tinitirahan nilang bahay, habang nasa out of town ang hindi pinangalanang lalaki.  

Base sa screenshot ng post ni Joanne, tila naka-relate siya sa kuwento sa blind item. 

"To whoever sent this must be a friend, PLEASE CLAIM YOUR CASH PRIZE FROM ME. hahaha! 

"I love you whoever you are. Thank you," saad sa caption ni Joanne. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi na makikita sa feed ng Facebook ni Joanne ang parehong posts.

HAPPIER DAYS OF DEREK, JOANNE

Limang taong magkarelasyon sina Derek at Joanne.  

Kasama pa ni Derek si Joanne nang mag-contract signing ang aktor sa GMA-7 noong April 3.

Sa panayam noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naging bukas si Derek sa pagsasabing nakabuti ang live-in set-up nila ni Joanne sa bahay niya sa Alabang. 

Mas gusto pa nga raw ng aktor na umuwi sa bahay upang makasama ang nobya, kaysa gumimik sa labas. 

"And in the house, it works as a family unit.

"We have dogs, we have my son, we have Sophie. We have each other. We have our fish."

Nagpahiwatig din noon si Derek na si Joanne na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay

May mga ideya na nga raw ang aktor sa posibleng proposal niya sa girlfriend in the future. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BREAKUP

Hanggang sa noong Huwebes, June 6, kinumpirma nila sa PEP.ph na hiwalay na sila. 

Ito ay matapos mapansin ng netizens na nag-unfollow-an sa Instagram sina Derek at Joanne

Hindi na rin makikita sa Instagram feed ni Joanne ang mga litrato nila ni Derek. 

Wala na rin sa feed ni Derek ang couple photos nila ni Joanne, maliban sa iilang litrato na may kasama silang ibang kaanak o kaibigan. 

Kahapon, June 8, naiulat ang isa pang panayam kay Derek na nagsabing desisyon nila ni Joanne na tapusin ang kanilang relasyon. 

Walang partikular na dahilan na sinabi si Derek, maliban sa pag-aming pareho sila ni Joanne na may pagkukulang sa isa't isa. 

Sabi pa niya, "And just because you have faults, it doesn’t necessarily mean they’re wrong.

"It’s just maybe hindi talaga kayo meant sa isa’t isa."

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ng pahayag si Joanne hinggil sa kanyang posts, pero hindi pa ito sumasagot sa ngayon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN