Paolo Ballesteros proudly admits "I'm a lady"

by Arniel C. Serato
Aug 21, 2019
Paolo Ballesteros on coming out: "Ayoko nang gumawa nung issue na ganun, na it’s a big issue, naka-swimsuit na nga no, ano pa bang kailangan?”
PHOTO/S: Noel Orsal

Kung atubili noon na pag-usapan ang tungkol sa kanyang totoong sexual orientation, out and proud na ngayon ang TV host-actor na si Paolo Ballesteros.

Saad ng Eat Bulaga! host, “Ako kasi yung tao na kung ano yung nakikita mo, ganun kasi pananaw ko, e, sa sarili ako.

“Yung nakikita niyo, yun na yun.

“Ayoko nang gumawa nung issue na ganun, na it’s a big issue.

"Naka-swimsuit na nga, 'no, ano pa bang kailangan?"

Paano dumating sa kanyang kamalayan na panahon na upang ilantad ang totoo niyang sekswalidad?

Tugon ni Paolo, “Wala, kasi ganito rin naman ako kahit dati pa, e.”

Sa mga dating panayam ng media kay Paolo, lagi niyang iniiwasang sagutin o hindi tuwirang sinasagot ang tanong tungkol sa kanyang gender.

Pero ngayon, diretso na niyang sinasagot ang tungkol dito.

Biro pa niya sabay pakawala ng malutong na halakhak, “Siyempre, nene pa ako nun, now, I’m a lady!"

So, confirmed?

Continue reading below ↓

“Ay, hindi pa ba?” natatawa pa rin niyang sagot.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa grand presscon ng pelikulang The Panti Sisters na ginanap nitong Martes ng gabi, August 20.

Bida rin sa pelikula sina Martin del Rosario at Christian Bables.

Kasama rin nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 entry na ito sina Marc MacMahon, Luis Hontiveros, Addy Raj, Rosanna Roces, at Carmi Martin.

Mapapanood na ito sa mga sinehan simula September 13.

Continue reading below ↓

PAOLO: “I’M OLD ENOUGH.”

Ano ang pakiramdam ngayong wala na siyang itinatago sa publiko, na nanghuhula pa dati tungkol sa kanyang kasarian?

Saad ng 36-year-old Kapuso star, “Huwag niyo na naman gawing issue yung manghuhula na ano ba ako or what.

“Ginagawa ko lang yung part ko, hindi naman ako nagpapa-girl sa normal na buhay, di ba?

“So, nakakatuwa kasi pag nagpapa-girl ako, mas nae-excite yung mga tao, ganyan.

“Pero it’s not about who I am, e, kasi feeling ko, alam naman nila who am I.”

Mas magaan daw ngayon ang kanyang pakiramdam dahil malaya na siyang makakakilos.

Biro pa niya, “I’m old enough.

"I’m a lady, it doesn’t matter.

“Nung una, kapag sinasabi mo naman wala naman akong pakialam, siyempre meron pa ring ano yun, pero ngayon wala na.”

Pagdating naman sa kanyang love life, matipid ang sagot ni Paolo.

Pero inamin niyang tatlong buwan lamang ang itinagal nila ng huli niyang karelasyong si Kenneth Gabriel Concepion.

Continue reading below ↓

“Three! Charing, sinagot din.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros on coming out: "Ayoko nang gumawa nung issue na ganun, na it’s a big issue, naka-swimsuit na nga no, ano pa bang kailangan?”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results