Vice Ganda jokingly warns Gerald Anderson: "Maghanda-handa ka na!"

by Rachelle Siazon
Aug 22, 2019
Vice Ganda on upcoming basketball match with Gerald Anderson: "Oo, may nag-utos sa akin. Bantayan ko daw."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @andersongeraldjr Instagram

"Gerald Anderson, maghanda-handa ka na!"

Ito ang kunwa'y maangas na sambit ni Vice Ganda laban kay Gerald Anderson na makakatapat niya sa napipintong All-Star Games 2019.

Si Vice ang pambato ng Team Vice Ganda o It's Showtime All Stars, habang si Gerald naman ang sa Team Gerald Anderson o Star Magic Warriors sa gaganaping basketball match sa Araneta Coliseum sa Linggo, August 25.

Ang warning ni Vice kay Gerald ay nag-ugat sa pagpapakita ni Vice ng kanyang maliksing basketball moves sa live telecast ng It's Showtime, noontime show ng ABS-CBN, noong August 20.

Natatawang hirit pa ni Vice, "May guest player ako!"

Tanong ng co-host niyang si Vhong, "Ikaw magbabantay kay Gerald?"

Sagot ni Vice, "Oo, may nag-utos sa akin. Bantayan ko daw."

Tanong ulit ni Vhong, "Sino?"

Sabay turo ni Vice kay Vhong, "Ikaw! Ikaw captain ball, e. Sabi mo bantayan mo si Gerald."

Paglilinaw naman ni Vhong, "Magaling yun, e. Siyempre bantayan mo."

Continue reading below ↓

BEA-GERALD-JULIA ISSUE

Noon lang August 7 ay nabanggit din ni Vice si Gerald sa It's Showtime dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Gerald, ex-girlfriend na si Bea Alonzo, at leading lady sa pelikulang Between Maybes na si Julia Barretto.

Diretsahang nagbiro noon si Vice na marami ang naghintay sa wala para sa inaabangan sanang pagsagot ni Bea sa bullying allegation ni Julia.

Continue reading below ↓

Kaugnay ito ng hiwalayan nina Bea at Gerald kasabay ng balitang si Julia diumano ang bagong nililigawan ni Gerald.

VICE'S LOVE FOR BEA

Tila updated si Vice sa isyu dahil sa It's Showtime noong July 31, nabanggit niyang napa-movie marathon siya ng mga pelikula ni Bea na mapapanood sa isang streaming service.

"Mahal ko siya," sabi ni Vice, na binigyan ng kahulugan ng mga tao na salita ng pakikisimpatiya niya kay Bea.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on upcoming basketball match with Gerald Anderson: "Oo, may nag-utos sa akin. Bantayan ko daw."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results