Sinon Loresca reveals separation from British husband

by Rommel Gonzales
Aug 23, 2019
Sinon Loresca: "Pag ang relasyon po, hindi na kayo nagkakaintindihan, malayo kayo sa isa’t isa, hindi na kayo masaya, may nagbago na, so let it go."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Hiwalay na si Sinon Loresca at ang kanyang British husband, na nanantiling sikreto ang identity.

“Actually, wala na kami ng ex-husband ko. One year ago na.

"The relationship, I mean, long distance, so hindi nakaya ng long distance so actually…

"Pero para na kaming mag-best friend ngayon,” lahad ng tinaguriang King of the Catwalk sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang ilunsad siya bilang bagong endorser ng Frontrow sa Dampa Seafood Grill sa Quezon City, noong Agosto 18, Linggo.

“Okay naman na po ako dun.

“Actually, inabot po kami… nagpakasal kami ng 2010, then one year ago lang kaming naghiwalay.

"Eight years din po kami."

Dahil sa long-distance relationship nila kaya naghiwalay sila?

“Opo, 'tsaka siyempre, may mga bagay-bagay po na hindi na kayo nagkakaintindihan.

"So, pag ang relasyon po, hindi na kayo nagkakaintindihan, malayo kayo sa isa’t isa, hindi na kayo masaya, may nagbago na, so let it go.

"So, iyon po."

Continue reading below ↓

Wala raw idine-date si Sinon ngayon.

“Siguro, work muna ako, trabaho muna ako at the moment.”

SINON'S BRITISH HUSBAND

Sa panayam ng PEP.ph columnist na si Jojo Gabinete kay Sinon noong June 5, 2017 ay nagkuwento ito tungkol sa relasyon nila ng kanyang British husband.

Very discreet daw sa trabaho ang kanyang asawa para hindi malamang gay ito.

Sabi ni Sinon, "Even girls, hindi malalaman na bakla siya, mga relatives lang niya.

"May pictures kami ng kasal namin, nagba-bonding kami, nagta-travel abroad, pero hindi kami naglalabas sa social media.

"He’s very straight acting.

Patuloy ng tinaguriang King of Catwalk, "Ayaw niya ipabanggit ang pangalan niya, kahit noong ma-feature ang life story ko sa Magpakailanman.

"He’s a very private person."

Sampung taon ang tanda ng British guy kay Sinon.

Ang mister daw niya ang nagyayang magpakasal.

Kuwento ni Sinon, “Kasi nung moment na yun, pabalik na ako sa Pilipinas, mag-dyowa na kami.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Uuwi na ako ng Pilipinas, ikaw, long-distance relationship tayo.’

“Sabi niya, ‘I will do everything na mag-stay ka sa London. Gagawin natin ang lahat ng paraan.’

“So, pinakasalan niya ako.

"Nagkaroon ako ng papeles hanggang naging residente na ako.

“Ang passport ko, residente pa rin. One step na lang, British na ako.”

Sabi pa niya, “Loresca ang ginagamit ko na family name, hindi ko ginamit ang surname niya.

“Feeling ko, OA na, parang babae na nga ako sa relasyon.

“At the end of the day, basta kasal na kami, okey na ako doon.

“Hindi ko na papalitan ang name ko, happy na kami sa isa’t isa.”

Noong panahong iyon ay wala raw problema si Sinon at ang kanyang British husband sa long-distance relationship.

Saad ni Sinon, “Okey ang relasyon namin, so far.

"Ang husband ko, napaka-supportive.

“Okey lang sa kanya na malayo kami sa isa’t isa.

"Alam naman niya na ito ang pangarap ko, susuportahan niya ako...

Continue reading below ↓

“Artista na ako noon, pero discreet siya.

“Kasama rin namin ang family ko sa mga lakad namin para hindi malaman na asawa ko siya.”

Maingat daw sila kapag lumalabas sila rito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Sinon, “Ang daming risks.

"Una, kapag naglalakad ka, pagtitinginan ka nila. Pag-uusapan ka nila."

Read Next
Read More Stories About
Sinon Loresca
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinon Loresca: "Pag ang relasyon po, hindi na kayo nagkakaintindihan, malayo kayo sa isa’t isa, hindi na kayo masaya, may nagbago na, so let it go."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results